Kris Bernal niresbakan ang ex-dyowa: Nakakagulat ang mga pinagsasabi niya! | Bandera

Kris Bernal niresbakan ang ex-dyowa: Nakakagulat ang mga pinagsasabi niya!

Ervin Santiago |September 15,2014
facebook
share this

Kris Bernal niresbakan ang ex-dyowa: Nakakagulat ang mga pinagsasabi niya!

Ervin Santiago - September 15, 2014 - 03:00 AM


HALATANG nabwisit si Kris Bernal sa mga nababalitaan niya tungkol sa ex boyfriend niyang si Carl Guevara. Nakarating daw kasi sa kanya na kung anu-ano raw ang sinasabi ng aktor laban sa kanya, partikular na ang tungkol sa break-up nila.

Sa presscon ng bagong teleserye ni Kris sa GMA na Hiram Na Alaala kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo at Rocco Nacino, sinagot ni Kris ang nasabing isyu – at kahit malumanay ang pagsasalita ng Kapuso star, may himig tampo at inis ang bawat salita niya.

Tinanong ng press si Kris kung kumusta na sila ni Carl, wala na raw silang communication,   “Siguro busy siya, kasi nga nasa TV5 siya ngayon, ‘di ba? Marami yata siyang gagawin na show doon.

“Sa akin naman, wala akong dapat na ikasama ng loob kasi maayos naman ang pag-uusap namin. Ewan ko lang sa kanya. Kasi siya naman itong hindi na nakikipag-communicate, e.

Kaya hindi ko tuloy masabi kung friends pa ba kami o hindi,” aniya.“Ganito na lang. Never akong nagsalita about sa relasyon namin. Kung hindi ko man inamin before na kami, may rason naman iyon at alam ni Carl iyon.

“From the start naman, alam niya na may ganitong limitation. May mga hindi puwedeng gawin. Carl knows that, pero nakakagulat lang na may mga sinasabi raw siya na ganito ako, kesyo hindi ko raw siya sineryoso.

Unfair naman iyon para sa akin.  “I tried to keep quiet about it pero bakit sa kanya pa nanggagaling yung mga sali-salita? May hindi tama doon, ‘di ba?” pahayag ni Kris.

Nang makausap namin si Carl sa presscon ng latest project niya sa TV5, ang musical drama series na Trenderas, inamin niya na two years ding tumagal ang relasyon nila, pero sabi ni Kris, “On and off kasi kami ni Carl.

Kaya parang hindi naman umabot ng two years. Hindi naman siya bilang, e. Marami kaming hindi napagkakasunduan talaga. Kaya nangyayari yung mga tampuhan sa amin noon.

“Kaya naiisip ko nga na it’s better na ganito na lang ang nangyari. Mahirap na yung may stress sa buhay. Pero ang masasabi ko naman, mabait si Carl. Wala akong naging reklamo sa personality niya.

Yun nga lang, wrong timing lang talaga. Maybe we deserve to be happy with other people,” sey pa ng aktres.Single pa rin daw siya hanggang ngayon, ayaw muna niyang mag-entertain ng mga suitors, in fact, may non-showbiz guy daw na gustong manligaw sa kanya pero ayaw itong paasahin ni Kris, “Ayokong matawag akong nagpapaasa sa mga lalake.

“May mga nagsasabi na nga na gano’n ako. Unfair naman kasi wala naman akong pinapaasa. Kapag sinabi ko namang hindi puwede, hindi talaga puwede. Gusto ko munang single ako.

Trabaho na muna tayo. Matagal akong nabakante sa paggawa ng teleserye kaya lahat ng energy ko ay dito sa Hiram na Alaala ko muna ilalagay,” aniya.
Speaking of Carl Guevara, dinenay naman nito na may third party sa break-up nila ni Kris, basta dumating na lang daw yung araw na parang napagod na sila sa kanilang relasyon.

Nakachika namin si Carl sa presscon ng seryeng Trenderas ng TV5, at in fairness, wala naman siyang sinabing hindi maganda tungkol kay Kris, ingat na ingat nga siya sa pagsagot sa mga tanong namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ni Carl, hindi rin daw niya iniiwasan si Kris kaya lumipat siya sa TV5, maganda raw kasi ang offer ng Kapatid network kaya hindi nila matanggihan, at isa na nga diyan ang Trenderas na nagsimula nang umere last weekend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending