Sharon tatakbong Mayor ng Pasay; Dingdong gustong maging Senador | Bandera

Sharon tatakbong Mayor ng Pasay; Dingdong gustong maging Senador

Reggee Bonoan |September 10,2014
facebook
share this

Sharon tatakbong Mayor ng Pasay; Dingdong gustong maging Senador

Reggee Bonoan - September 10, 2014 - 03:00 AM


Trulili kaya ang tsika sa aming kakandidatong Mayor ng Pasay City si Sharon Cuneta?Pinag-uusapan daw ngayon sa business sector ang planong pagkandidato ng misis ni dating Sen. Kiko Pangilinan sa lugar ng nasira niyang tatay na si ex-Mayor Pablo Cuneta.

“Hindi pa lang ina-announce kasi maaga pa, pero hintayin mo,” say sa amin ng nagkuwentong walang kinalaman sa showbiz.
Kamakailan lang ay umamin ang Megastar na dumaan siya ngayon sa midlife crisis pero okay naman na siya ngayon.

Baka raw kasi pinayuhan siyang pasukin na lang ang pulitika kaysa mag-showbiz? Alam naman ng lahat na mahal ni Sharon ang mundong kinalakhan kaya marahil ay ito ang nagpapagulo ng kanyang isipan.

“It’s a 70-30 sa pagtakbo ni Sharon, wait mo lang,” sabi pa sa amin. Dagdag pa aming source, “Kaya dapat umokey na ang kalagayan ni Mommy Elaine (Cuneta) kasi siya ang lakas ni Sharon bukod sa pamilya niya.”

Isa pang nababalitang may planong kumandidato ay si Dingdong Dantes, ayon pa sa nakausap namin. Binanggit sa amin na Senador daw ang target ni Dingdong bagay na ikinagulat namin dahil masyado naman yatang mataas ito, bakit hindi muna siya mag-umpisa sa mas mababa para hindi siya batikusin ng taumbayan.

“Tingnan natin, pero may plano ‘yan, alam niya kasing malapit na siyang magretiro sa showbiz lalo na ngayong ikakasal na sila ni Marian (Rivera),” say pa sa amin.

Tanda namin ay parang hindi type ni Dong na pasukin ang pulitika dahil nga puwede naman daw siyang tumulong kahit wala siya sa posisyon. Sabagay, araw-araw naman ay nababago ang plano ng tao

.Samantala, trulili rin kaya na100 Bishop ang present sa kasal nila ni Marian na gaganapin sa Immaculate Conception Parish (Diocese of Cubao) sa Disyembre 30?

“Nag-inquire kasi ‘yung kaibigan ko kung magkano aabutin ang gastos para sa mga gagamitin ng bawat bishop, e, ang mahal pala, P200,000 ‘yung quote. Ibig sabihin, 100 per bishop?” kuwento naman ng isang negosyante.

Tinext namin ang manager ni Dingdong kung totoong ganito karami ang imbitadong bishop sa kasal nila ni Marian, “Hindi po,” kaswal na sabi sa amin.

Sinundot namin ulit kung totoong planong pasukin ni Dong ang pulitika, “Wala akong alam,” sabi ulit sa amin. So, may posibilidad pala talagang tumakbong senador ang boyfriend ni Marian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending