James Reid, Nadine Lustre ‘binastos’ ang Siyete | Bandera

James Reid, Nadine Lustre ‘binastos’ ang Siyete

Ambet Nabus |September 02,2014
facebook
share this

James Reid, Nadine Lustre ‘binastos’ ang Siyete

Ambet Nabus - September 02, 2014 - 03:00 AM


Balita ring nagtampo ang mga taong inabala  ng tambalang James Reid at Nadine Lustre mula sa GMA 7 noong mga panahong halos wala pang pumapansin sa dalawang bagets at sinusugalan pa ng Viva Entertainment?

Nagulat daw kasi ang mga ito na sa ABS-CBN at hindi sa GMA pumirma ng kontrata ang magka-loveteam. “Mangga” (read: manggagamit) ang tawag ngayon sa mga nagpapatakbo ng career nina James at Nadine dahil nu’ng time nga raw kailangan ng dalawa ng network na magiging “bahay” nila para sa promosyon ng kanilang team-up, ay sa GMA daw sila nakiusap na tumambay?

Sinasabi pa ngang may nasagasaan ang tandem nila na mga loyal na sa network dahil after ngang maging hit ang unang movie nila ay agad silang isinama at binigyan ng bonggang exposure sa Sunday show ng GMA 7.

Nagkaroon pa nga ng rigodon ng “cast” ang naturang Sunday show dahil kina James at Nadine at nagsalita pa nga noon si Mark Herras na na-offend siya nang palitan ng mga ito ang matagal nang regular sa show.

“Pati nga yung programa ni Kuya Germs, naging tambayan nila. Tapos ngayong nagkaroon lang ng follow-up hit ang movie nila, bigla silang lilipat?” ang hirit pa ng aming kausap.

Well, sa tingin naman namin ay may karapatan ang bawat isa na mamili kung saan nila gustong magtrabaho. Nagkataon lang marahil na praktikal at realistiko ang mga nagpapatakbo ng career ng dalawang bagets kaya mas pinaboran nila ang offer ng ABS-CBN.

Pero ang sabihing sina James at Nadine na ang magiging katapat o kalaban nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay kinokontra namin.

Nope, we like Nadine and James, lalo na ang huli na napaka-consistent sa pagiging magiliw at matandain sa amin, but career-wise and achievement-wise, malayo na ang nalakbay ng KathNiel.

Kahit as individual artists ay marami nang napatunayan ang Teen King and Queen, samantalang sina James at Nadine ay nagsisimula pa lang.

But in fairness kina James at Nadine, mayroon silang future as a tandem to make it bigger! Sa napanood naming chemistry nila since their first hit movie hanggang sa kanilang follow-up project, meron silang taglay na qualities na posibleng magpalaki sa kanilang mga pangalan.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending