Milyones ni Sharon wa epek sa pagpapatanggal ng taba | Bandera

Milyones ni Sharon wa epek sa pagpapatanggal ng taba

Cristy Fermin |September 01,2014
facebook
share this

Milyones ni Sharon wa epek sa pagpapatanggal ng taba

Cristy Fermin - September 01, 2014 - 03:00 AM


May dalawang taon pang natitira sa 5-year contract na pinirmahang kontrata ni Sharon Cuneta sa TV5. Mula nu’ng 2011 nang magdesisyon siyang kumabilang-bakod mula sa ABS-CBN ay nakakatatlong taon pa lang siya, tatlong TV shows lang din ang kanyang nagawa, kaya may natitira pang dalawang taon sa kanyang kontrata.

Kung ano ang nangyari ay hindi pa malinaw sa amin. Nagsoli ba ng malaking halaga si Sharon sa TV5, pinag-usapan na lang ba nila ng pamunuan na kuwentas-klaras na lang sila, hindi namin alam kung ano ang naging kasunduan nila.

Ang alam lang namin ay tinanggap nang maayos ng network ang kanyang pag-alis, puro magaganda ang hinihiling ng TV5 sa mga darating pang oportunidad sa kanyang career, ibig sabihi’y naghiwalay sila nang maayos.

Matindi ang pinagdadaanan ngayon ni Sharon Cuneta. Heto ang isang taong napakasuwerte sa buhay at karera, milyun-milyon ang kanyang pera, pero napakasimple ng naging matrikula niya.

Ang kanyang pagtaba. Aminado naman si Sharon na naging pabaya siya, naging makasarili siya, kaya lumaki siya nang lumaki.
Isang malinaw na senyal ang nangyari kay Sharon Cuneta na hindi lahat ng bagay ay puwedeng bilhin ng salapi.

Kayang-kaya niya namang makipagkaibigan sa siyensiya dahil milyonarya siya at may maipambabayad naman siya pero walang nagawa ang kanyang kayamanan.

Pero sa huling suma ay wala nang dapat pang patunayan ang isang Megastar. Nagmarka na siya sa publiko at hinding-hindi na siya makakalimutan ng ating mga kababayan.

( Photo credit to sharon cuneta official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending