Guro pero repacker (2) | Bandera

Guro pero repacker (2)

Joseph Greenfield |August 01,2014
facebook
share this

Guro pero repacker (2)

Joseph Greenfield - August 01, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula  kay  Leilani ng Lagao 1st, General Santos City
Dear Sir Greenfield,
1. Kailan kaya darating sa buhay ko ang matinong trabaho?  Sa maniwala kayo o hindi, ang mga trabahong pinasukan ko a repacker, warehouse clerk, merchandise clerk at lahat ng iyan ay contractual lang ako.  Pagkatapos ng limang buwan ay wala na naman akong trabaho at maghihintay na naman ng ilang buwan bago makapasok sa trabaho.
2. Pinagtatawanan na nga ako pag naga-apply dahil ako’y graduate ng kursong Bachelor of Science in Elementary Education.  Hindi ako makapagturo dahil hindi ako pumasa sa licensure examination.  Ako’y isinilang noong Mayo 27, 1993.  Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at makapag-aasawa?
Leilani ng Lagao 1st, General Santos City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus  (Illustration 2.) ay nagsasabing angkop na angkop naman sa zodiac sign mo ang kurso mo, kung saan, ang mga Taurus ay tipikal at pangkaraniwan ng nagtatagumpay sa mga career na may kaugnayan sa pagtuturo.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing may malaking suwerte sa taon ito  hanggang 2015, sa tulong ng lalaking isinilang sa petsang 7. Sa sandaling may dumating sa buhay mo na lalaking isinilang sa petsang 7, siya ang mala-superman na tutulong sa iyong career at magiging boyfriend mo upang tuluy-tuloy ka nang umunlad at liligaya  habambuhay.
Luscher Color Test:
Upang madali kang makapasok sa regular na trabahong related sa course mo, tuwing mag-aaplay magsuot ka ng kulay na red at dilaw. Sa ganyang kulay, susuwertehin ka na at tuloy-tuloy ng gaganda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala
Leilani, ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mainip, dahil sa last quarter ng taon ito, ganap na gaganda ang iyong kapalaran, lalo na sa career. Tulad ng nasabi na, isang lalaking isinilang sa petsang 7 na may zodiac sign na Virgo ang tutulong sa iyo, upang mapasok ka sa isang malaking kompanya na may kaugnayan sa pagkain. Sa nasabing kumpanya na may kulay red na logo, mareregular ka at tuluy-tuloy na aasenso, hanggang sa bandang huli, yon lalaking tumulong sa iyo upang magkaroon ka ng regular na trabaho na may initial na R.A. ang siya mo naring maging boyfriend at tuluyang makasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending