Cristine iwas na iwas kay Derek, parang pinapaso raw ang pwet | Bandera

Cristine iwas na iwas kay Derek, parang pinapaso raw ang pwet

Ambet Nabus |July 25,2014
facebook
share this

Cristine iwas na iwas kay Derek, parang pinapaso raw ang pwet

Ambet Nabus - July 25, 2014 - 03:00 AM

CRISTINE REYES, HEART EVANGELISTA AT DEREK RAMSAY

Noong second presscon ng “Trophy Wife” ay napansin talaga namin na umiwas si Cristine Reyes nang umupo sa tabi niya si Papa Derek Ramsay na medyo late dumating sa venue.

Matrapik kasi nu’ng Martes ng gabi at grabe pa ang ulan unlike noong first presscon na si Cristine talaga ang hinintay ng lahat.
“Baka ayaw niyang may nahuhuli pa sa kanya dahil kumbaga sa billing siya dapat ang pinakabida, siya ang grand entrance,” ang walang wawang reaksyon ng aming katabi sa upuan.

Medyo ikinagulat kasi namin yung kakaibang body language ni Cristine na para bang iwas na iwas kay papa Derek. Hindi rin siya sweet dito unlike noong una na very comfortable nilang ibinahagi sa amin ang pagiging good friends-turned lovers-turned friends nila uli.

“Basta may something akong na-si-sense sa kanila, believe me,” hirit naman ng isa pang katoto na na-observe din ang body language ng seksing bida ng “Trophy Wife” na parang pinapasok ang kanyang pwet sa kinauupuan. Imbes daw kasing umupo nnag diretso the whole time na sumasagot ng mga tanong si papa Derek eh, mas ginusto raw ni Cristine na mag-favor ng kanyang katawan at atensyon sa side ng katabing si Keiko Aquino (writer ng movie) kaya’t halos hindi na niya nakikita si papa Derek na walang kamalay-malay sa “pangdededma” sa kanya ni Cristine.

Showing na ngayong July 30 ang movie at kasama din nila rito si Heart Evangelista who was earlier announced na hindi talaga makakarating sa presscon dahil may prior engagement daw ito.

Matatandaang noong unang presscon ay naunang nagpa-interview si Heart (as in solo siya) bago siya sandaling sinamahan ng dalawang leading men niya and then left for her another appointment

Never pa talaga naming nakita na nakumpleto ang apat na bida ng movie in one sitting. May issue ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending