Alessandra: Hindi ako atat sa lalaki, no! | Bandera

Alessandra: Hindi ako atat sa lalaki, no!

|January 23,2012
facebook
share this

Alessandra: Hindi ako atat sa lalaki, no!

- January 23, 2012 - 02:50 PM

As in never…never daw nagmakaawa kay Lord si Alessandra de Rossi na bigyan na siya ng boyfriend this year, this as part pa raw ng kanyang New Year wish list.

“Never ha! At hindi pa rin siya nakakasama sa aking prayers! Ha-hahaha! At lalong hindi rin siya nakasama sa wish list ko ngayong 2012!” tili ni Alex nu’ng makachikahan siya ng press recently.

“Pero baka mga three years pa from now, puwede ko nang i-wish na magkaroon ulit ako ng boyfriend. Siguro magkaka-boyfriend ulit ako kapag 35 na ako! Ha-hahaha!”

Ayon sa isa sa mga lead star ng primetime series na Legacy ng GM 7, wala pa raw talaga sa priority niya ngayon ang magkadyowa. At lalong hindi raw siya atat na atat magka-boyfriend.

“Hindi ko talaga siya naiisip sa ngayon. Ang problema naman kasi kapag na-in love ako, pati naman career ko, itatapon ko, e. Ganu’n naman ako.

“Pero sa ngayon, hindi ko lang talaga siya naiisip kasi, wala rin naman akong nakikilala talaga na gusto ko,” chika pa ng dalaga.

Legacy, In fairness, marami na ang nag-aabang sa mga matitinding eksena ni Alex sa Legacy na napapanood sa GMA TeleBabad, lalo na ang tarayan, sampalan, sigawan, sabunutan at kung anu-ano pang sakitan nila nina Heart Evangelista at Lovi Poe.

“Naku, kailangan n’yong tutukan every night ang Legacy. Grabe ‘yung mga eksena ko diyan, lalo na ‘yung sa amin ni Lovi na lagi kaming nagbabarahan.

“‘Tapos, nakikita ko sa script ‘yung…tumatahimik na lang ako bigla kasi wala na akong maisagot.

Sabi ko, pagdating ng taping, hindi ako tatahimik! Ha-hahaha! May isasagot ako, for sure,” natatawang chika ni Alex.

Ang isa raw sa hindi malilimutan ni Alex ay yung sabunutan nila ni Lovi na naka-gown sila pareho kung saan nahulog siya at natumba, “Sabi ko nga, next time naman, huwag namang naka-gown kapag nagsasabunutan.

Kasi wala naman akong kalaban-laban du’n, di ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kina Heart at Lovi, join din sa Legacy sina Geoff Eigenmann, Sid Lucero, Mike Tan, Ryza Cenon at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending