HOROSCOPE, April 24, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, April 24, 2014

Madam Sophia |April 24,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, April 24, 2014

Madam Sophia - April 24, 2014 - 01:35 PM

Para sa may kaarawan ngayon:  Kapag laging maganda ang laman ng iniisip lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag pag isipan ng masama ang kasuyo upang lalo pang lumawig ang inyong relasyon.  Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 42 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Dosya-Om”. Purple at silver ang buenas.
 
Aries – (Marso 21-April 19)— Hindi na mapipigilan ang pagyaman. Sa pag-ibig, alalahaning lagi na kaya ka nagpapakahirap at napapayaman, para sa iyong kasuyo at sa iyong pamilya. Sa ganyang paraan, mas magiging maligaya ka. Mapalad ang 3, 9, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel.” Gray at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Sa sandaling bigo ka sa sinilangan mong bayan, sa ibang lugar ka tiyak na magtatagumpay, lalo na sa pinansyal at sa pag-ibig. Mapalad ang 6, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nakiel-Kedemel-Hagiel.” Yellow at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Pakinggan ang sinasabi ng puso, sa ganyang paraan mas madali kang uunlad at magiging maligaya. Sa pinansyal, wag gamitin ang isip upang mas madali kang yumaman -bukod sa puso, intuition ang pairalin. Mapalad ang 5, 14, 25, 29, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra-Om.” Green at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Hindi dapat makipagtalo para lang makuha ang iyong gusto. Sa pamamagitan ng diplomasya, mas malaking halaga ang kikitain. Sa pag-ibig, lambingin ang kasuyo upang makamit ang matagal mo ng inuungot-ungot sa kanya. Mapalad ang 1, 4, 19, 28, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Egosum-Om-Obre.” Orange at green ang buenas.
 
Leo – (July 23 – August 22)—Kung hindi matutuong mag ipon, mawawalang mabilis ang pera! Tama ang matagal mo nang iniisip, kapag marami ka ng pera kaya ding bilin ng salapi ang pag-ibig.  Mapalad ang 4, 19, 28, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Aum-Adhenan.” Yellow at magenta ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Suwerte sa kaibigang mabilis maglakad! Siya ang hanapin mo, upang umangat ng husto ang kabuhayan. Sa pag-ibig, bukod sa mabilis maglakad, matatagpuan mo ang true love sa medyo maliit na pandak. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Terta-Malka-Om.” Blue at white ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Venus ang planeta ng Libra, kaya upang mag-ibayo ang magandang kapalaran kailangang lagi kang “in love”. Kapag ganyan, lalago ang kabuhayan at sa pamamagitan ng pagmamahalan, lalong magiging happy ang tahanan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel-Om-Hagiel.” Red at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Maraming hindi inaasahang suwerte ang darating sa susunod na buwan ng Mayo. Sa pag-ibig, mas lalong iinit ang romansa kasabay nito, tuloy-tuloy na madadagdagan ang kinikita. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Agla-Devah-Om.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Isang kaibigan ang lalapit upang humingi ng tulong. Hindi mo siya dapat pautangin, dahil dati ka nya ng hindi binayaran. Higit na mas masarap gastahin ang salapi kung ito ay iuukol sa minamahal. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.
 
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Sa simpleng buhay higit kang mas magiging maliagaya. Maraming kumplikadong bagay ang mangyayari sayong karanasan kapag sobrang yaman. Sa pag-ibig ay ganon din, iwasang  sumuong sa mga kumplikadong relasyon. Mapalad ang 5, 8, 28, 37, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Hare-Rama-Om.” Silver at purple ang buenas.

 Aquarius – (January 20 – February 18)—May kalungkutan madarama habang hindi ka kuntento sa kasalukuyan mong buhay. Sa pinansyal, sa pakikisalamuha sa lipunan, mas lalong madadagdagan ang kinikita. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Gemini  upang habang buhay ng lumigaya. Mapalad ang 1, 13, 22, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Bejaa-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ipagpatuloy ang nasimulan! Ituloy lang ang ginagawang pagsisikap at makikita mo kusa ka ring yayaman.  Sa pag-ibig, mag-join force kayo ng kasuyo upang lalo pang mapaunlad ng kabuhayan, hindi puwede sa Pisces ang nag-iisa. Mapalad ang 2, 7, 19, 25, 28, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Rama-Om.” Green at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending