Angel iniregalo ang Side A Band kay Luis | Bandera

Angel iniregalo ang Side A Band kay Luis

Ervin Santiago |April 23,2014
facebook
share this

Angel iniregalo ang Side A Band kay Luis

Ervin Santiago - April 23, 2014 - 03:00 AM


Muling ipinakita ng Kapamilya leading lady na si Angel Locsin ang kanyang unconditional love para sa boyfriend na si Luis Manzano nang mag-celebrate ito ng kanyang kaarawan noong Lunes.

As in talagang nag-effort si Angel para mapasaya nang bonggang-bongga si Luis sa mismong birthday nito. Isang surprise gift ang kinarir nito para sa TV host-actor who just turned 33.

Sa kanyang personal Instagram account, sinabi ni Luis na tinawagan at pinagsama-sama ni Angel ang malalapit nilang kaibigan para sa isang mini-Side A concert sa mismong garden ng kanyang bahay.

“That moment that your GF sets up a mini Side A concert in your garden!!! Wow, you are unbelievable @therealangellocsin, I love you,” mensahe ni Luis.

Nu’ng nakaraang birthday naman ni Angel ay isa si Luis sa naghanda ng surprise party para sa aktres, nakipagkuntsaba siya sa ate ng kanyang girlfriend para sa early birthday celebration nito dahil super busy nga nito sa kanyang trabaho.

Mukhang totoo nga ang kasabihan para sa magdyowang Luis at Angel na “love is sweeter the second time around.” At sana nga ay sa kasalan na mauwi ang kanilang pagmamahalan dahil kung magkakahiwalay lang sila uli, aba, baka pareho na silang mabaliw niyan! Ha-hahaha!

Baka pati ang nanay ni Luis na si Gov. Vilma Santos ay maloka kung sa ikalawang pagkakataon ay muli silang maghihiwalay. In fairness, botong-boto ang Star For All Seasons kay Angel, sa katunayan, aminado ang actress-politician na gusto na niyang magkaapo kay Luis.

Pero feeling ko naman, seryosohan na talaga ang relasyon ng dalawa, siguro naman hindi nila lolokohin ang milyun-milyong tagasuporta nila dahil kung magkakabukingan na isang pekeng relasyon lang ang ibinabandera nila sa publiko, tiyak na parehong mawawasak na ang kanilang career.

Lalo na itong si Luis na may balak ngang tumakbo bilang mayor sa Batangas, kailangang clean image pa rin siya, di ba?

( Photo credit to luismanzanofanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending