Mommy Dionesia patutumbahin si Bradley: Ako ang susuntok sa kanila! | Bandera

Mommy Dionesia patutumbahin si Bradley: Ako ang susuntok sa kanila!

Ervin Santiago |April 20,2014
facebook
share this

Mommy Dionesia patutumbahin si Bradley: Ako ang susuntok sa kanila!

Ervin Santiago - April 20, 2014 - 03:00 AM


NAG-TRENDING uli sa mga social media ang video ni Dionesia Pacquiao na kuha sa isang presscon kamakailan. Dito kasi muling nagbigay ng mga nakakalokang pahayag ang nanay ni Rep. Manny Pacquiao tungkol sa talunang si Timothy Bradley.

Ayon kay Mommy Dionesia, kung sakaling natalo raw si Pacman sa huling laban nito, aakyat siya sa boxing ring at siya ang makikipagsuntukan sa Amerikanong boksingero. At titiyakin daw niyang maipagtatanggol ang kanyang anak.

Sey ni Pacmom kung na-knock out daw ni Bradley si Pacman, “Nandito lang ako para sa anak ko, ako ang susuntok sa Bradley na yan, pag bumagsak ang anak ko…gustong isigaw sa buong mundo na si Mommy D ang nagpatumba kay Bradley.”

Hirit pa nito, “Hindi man siya ma-knock out talaga, at least knock out naman siya sa utak ko!”  Sabi pa ni Aling Dionesia, naniniwala siya na isa sa nagpanalo kay Manny ay ang panonood niya nang personal sa nasabing laban sa Amerika, dahil aniya,

“Malaking suporta pag nandiyan ang mother, hindi kumpleto ang ano ng anak kapag walang support ng nanay o tatay, tama mga di ba, mga nanay? Hindi umuunlad ang anak, malaking tulong yun.”

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending