Kim, Coco ‘Magkakatikiman’ na; Xian naghahanap ng bagong gf | Bandera

Kim, Coco ‘Magkakatikiman’ na; Xian naghahanap ng bagong gf

Reggee Bonoan |January 23,2014
facebook
share this

Kim, Coco ‘Magkakatikiman’ na; Xian naghahanap ng bagong gf

Reggee Bonoan - January 23, 2014 - 03:00 AM


Tanda mo bossing Ervin, sinulat ko rito sa BANDERA na hindi na magkakasama sa susunod nilang TV project sina Kim Chiu at Xian Lim?

Mukhang planado na pala ito ng management ng ABS, ang balita si Coco Martin na ang itatambal kay Kim habang hinahanapan pa ng Dos ng bagong partner si Xian.

Ang kuwento sa amin ng isang source, “Parati kasing sinasabi na dahil kay Kim kaya sumikat si Xian kaya ngayon, paghihiwalayin muna sila para malaman kung kaya na ni Xian na magsolo, kung keri na niyang wala si Kim.”

Si Coco ang magiging leading man ni Kim sa bagong serye nitong Ikaw Lamang. At nakumpirma namin ito nang makatsikahan namin sa elevator ng ABS-CBN building ang AdProm Director ng Star Cinema na si Roxy Liquigan patungo sa presscon ng The Legal Wife noong Martes.

Kinumusta muna namin ang “Bride for Rent” na pinipilahan pa rin ng KimXi supporters na 10 beses na yata nilang pinanonood, “Sobrang lakas, Reggs, feeling namin aabot sa P300 million after two weeks or more.

Kasi isang linggo palang nasa P170 million na,” sabi ni Roxy. Sabay banggit namin sa kanya ng, “Si Kim ang nagdala ng movie.”
“Yes, alam natin na si Kim pa rin ang nagdala, pero base rin sa survey namin, ito ang romcom na bumagay kina Xian at Kim, in fairness, nadala rin naman ni Xian ang sarili niya rito at loveteam sila talaga.

“Nagkatulungan naman after ‘Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo’, ito ang biggest hit ni Kim sa lahat ng pelikulang nagawa niya,” katwiran sa amin.

At saka namin ipinasok na magkahiwalay na sina Kim at Xian sa bagong TV project nila, “Oo nga, eh, pero sa amin naman gagawa si Xian ng serye, hindi ko palang alam sino ang kasama at ano ang kuwento,” pag-amin nito.

Anyway, binanggit namin na marami nang nag-aabang sa The Legal Wife nina Angel Locsin, Maja Salvador at Jericho Rosales, kahit nga ang mga katsika naming mga taga-GMA ay nag-aabang na rin daw sa programa.

“In fairness, Reggs, ang ganda ng kuwento. Hindi mo bibitawan talaga,” paninigurado sa amin ni Roxy.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending