JC de Vera sabay mapapanood sa 2 teleserye ng Dos | Bandera

JC de Vera sabay mapapanood sa 2 teleserye ng Dos

Reggee Bonoan - January 20, 2014 - 03:00 AM

ANG lakas ni JC de Vera sa ABS-CBN management bossing Ervin dahil dalawa agad ang show niya, isa sa hapon at isa sa gabi.
Kasama si JC sa Moon of Desire nina Meg Imperial at Ellen Adarna na kapalit ng Galema ni Andi Eigenmnn, at kasama rin ang aktor sa seryeng The Legal Wife nina Angel Locsin, Maja Salvador at Jericho Rosales.

Sa madaling salita, dalawang beses mapapanood si JC sa isang araw sa Dos kapag nagsimula na ang dalawang programa.
Parang nakikinita namin na may mga isyung maglalabasan na naman kay JC na kaya siya malakas sa management ay dahil malapit siya sa mga TV executive.

Si JC ang pag-aagawan nina Meg at Ellen sa Moon of Desire. Para sa amin ay mabait at masipag si JC, mula nu’ng nakilala at nakakatsikahan namin siya ay wala siyang pagbabago at napakasimpleng tao kaya isa rin siya sa gusto namin sa mga lalaking artista at good thing, lumipat na siya sa ABS-CBN dahil sayang naman ang talent niya.

Para kasing hindi siya masyadong nabibigyan ng importansiya sa dati niyang network. Though magaganda nga ang mga napupunta sa kanyang mga proyekto, pero parang kulang na kulang pa rin.

Ngayong nasa ABS na siya, tingnan natin kung mas sisikat na siya kasama ang mga pambatong artista ng Kapamilya network.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending