Rachelle Ann ayaw pang sagutin si Slater Young | Bandera

Rachelle Ann ayaw pang sagutin si Slater Young

Reggee Bonoan - January 15, 2014 - 03:00 AM


Sinadya namin si Rachelle Ann Go sa pictorial niya sa may bandang Kamuning, Q.C. para tanungin ang estado ng relasyon nila ngayon ni PBB Unlimited Edition winner, Slater Young.

Kailan lang ay umamin na si Slater na nasa dating stage na sila ni Rachelle. Pero nauna na naming nakitang magsama ang dalawa sa press preview ng “Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel” sa Greenbelt, Makati noong Disyembre at tinanong nga namin ang binata kung sila na, ang sagot sa amin, “Paalis siya, eh. Punta ng London.”

At dahil si Rachelle na lang ang wala pang sinasabi tungkol sa relasyon nila ni Slater kaya pinuntahan na namin siya. Ang pictorial ay para pala sa concert ng dalaga na may titulong “Miss Rachelle: The Send Off Concert” na gaganapin sa Meralco Theater sa Peb. 22. At dito, inamin niyang. “Yes we’re dating. Ganu’n lang naman.”

Paano ang mangyayari kapag umalis na siya patungong London para sa Misss Saigon? “Well, ako kasi focus muna ako sa gagawin ko pagdating ko roon. Kasi, 14 months din ako sa London, so focus muna roon,” say ng dalaga.

Paano ang set-up nila ni Slater? “Ha-hahaha! Ano ba ito?  Ito lang ang masasabi ko, mahirap kasing magsalita kasi nandoon (Miss Saigon) ang focus ko,” sagot ng dalaga.

Kasunod ng, “Basta dalawin niya (Slater) ako roon. Ha-hahaha! Joke lang!” Isa ba si Slater sa mga inspirasyon niya? “Mga inspiration? Happy naman ako sa mga nangyayari ngayon, pero siyempre kailangan alam ko pa rin ang priorities ko kaya focus ako ngayon,” paliwanag ng dalaga.

Anyway, ang “Send Off Concert” ni Rachelle Ann ay produced ng Pink Management and Production at Cornerstone Concerts kaya tinanong namin ang dalaga bakit walang partisipasyon ang Viva Concerts sa show niya, e, di ba Viva talent siya?

“Ako lang naman po talaga ang nagpo-produce ng shows ko, tumutulong lang ang Viva, ngayon, ang Cornerstone naman ang tumutulong.”

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending