Kc hiyang-hiya kina Sharon at Kiko sa ginawang pagbukaka at pagbuyangyang ng boobs | Bandera

Kc hiyang-hiya kina Sharon at Kiko sa ginawang pagbukaka at pagbuyangyang ng boobs

Reggee Bonoan - December 28, 2013 - 03:00 AM


TOTOO nga ang sabi nang nakatsikahan naming miyembro ng Metro Manila Film Festival nang rebyuhin nila ang mga pelikulang kasali sa filmfest ngayong taon na maraming gugulatin si KC Concepcion sa “Shoot To Kill: Boy Golden” mula sa Scenema Concept at Viva Films.

Kahit kami ay nagulat sa mga eksena ni KC sa pelikula, hindi namin inaasahang kaya palang gawin ‘yun ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Wholesome kasi parati ang papel ni KC sa mga pelikula at programang nagawa na niya at maski na may kissing scene ay hindi naman ito pinag-uusapan.

Pero sa “Boy Golden”, na-shock kami dahil nagpaka-daring si KC sa papel niya bilang dancer sa club at higit sa lahat, ang dami-dami nilang kissing scene ni Laguna Gov. Jeorge “ER” Ejercito at may bed scene pa (maski nakatakip sila ng kumot).

Napa-wow kami nang sumayaw pa siya sa harapan ng isang napakatabang lalaki dahil bigay na bigay at feeling namin ay pinainom muna ng wine ang aktres para magawa niya ang eksenang iyon, tama ba bossing Ervin?

(Ha-hahaha! Feeling ko naman, talagang kinarir lang ni KC ang eksena dahil natatakot siyang mamura ni direk Chito Roño!? Ha-hahaha! – Ed)

Tiyak na pag-uusapan ang private dancing na iyon ng dalaga kung saan bumukaka at nagpasilip pa siya ng cleavage at nakatitiyak din kami na mas marami pang lalaking magnanasa ngayon sa kanya kapag napanood nila ang “Boy Golden”.

Karamihan sa mga lalaking celebrity o baguhan pa lang sa showbiz ay si Anne Curtis ang gusto kasi nga hot ang dalaga, pero ngayon, nakasisiguro kami, kasama na si KC sa mga babanggitin ng mga ito.

Kaya pala nu’ng dumating sina Sharon, Sen. Kiko Pangilinan at lola niyang si Elaine Cuneta sa premiere night ay biglang kinabahan ang aktres at panay ang sabi sa pamilya ng, “Naku po, Ma, ‘wag mong isiping ako ‘yan, ha, trabaho lang, naku, Gob (ER), nandiyan ang mamita ko, lagot, ang daddy ko, nakakahiya! Work lang po, eksena lang ‘yung mga ginawa ko.”

Naaliw kami sa dalaga dahil hindi mo ini-expect na naiilang pa rin siya sa mga ginawa niya kaya dapat may follow-up na agad ito para mawala na ang hiya factor.

In fairness, may sarili ng tatak si KC ngayon bilang aktres at hindi mo na siya maikukumpara sa nanay niya in terms of acting. Marahil ay naging challenge itong gawin ng dalaga para maiba siya sa mama niya.

Nilalait kasi parati si KC na ibang-iba raw siya sa nanay niya at tinawag pa ngang ham actress dati, at inaamin ko, isa rin kami sa nagsabing hindi siya gaanong marunong umarte.

Kaya ginulat din kami ng dalaga sa “Boy Golden”, akalain mo, kaya pala niyang maging sexy star, dramatic actress at action star, nag sabay-sabay?  Kaya malaki ang utang na loob ni KC kay Gov. ER at direk Chito.

Totoo ang sinabi ni ER sa MMFF, pag hindi nanalo si KC bilang best actress sa filmfest, niluto ang botohan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending