Christian: 32 na ako, kailangang makita ko na rin ang babaeng pakakasalan ko! | Bandera

Christian: 32 na ako, kailangang makita ko na rin ang babaeng pakakasalan ko!

Reggee Bonoan - December 12, 2013 - 03:00 AM


Nakatsikahan namin si Christian Bautista sa renewal ng contract niya bilang endorser ng Ink All-You-Can sa ikatlong taon at sabi nga niya, “It’s a blessing.

It’s a nice, nice Christmas gift na maka-renew ng contract, again. So, I’m very, very grateful and nagpapasalamat ako for the trust.”

Samantala, natanong si Christian tungkol kay Rachelle Anne Go, may plano ba siyang balikan ang singer pagkatapos ng stint nito sa 2014 Miss Saigon bilang si Gigi?

“Hindi naman nawawala ‘yung concern, that care, that friendship, hindi naman nawawala hanggang ngayon, hindi lang namin iniisip ang angle na ngayon, pero if we’re close as friends, yeah, kaming lahat (ex-girlfriends).

“We will see when we get there, pero as of now, we’re friends and ayaw ko ring magsalita ng tapos,” sabi pa nito. Napag-usapan nga  nilang mga champions tulad nina Erik Santos, Jed Madela, at hopefully Sarah Geronimo na panoorin si Rachelle Anne sa London, “Sold out na ang first night, eh, so baka May na kami manonood to support her.

Ayaw din naman niya kaming manood sa first night,” sabi ni Christian. Bukod kay Rachelle Anne ay natanong din namin ang binata tungkol sa nalalapit na kasal ng dati niyang dine-date at special friend na si Karylle sa boyfriend nitong bokalista ng Spongecola na si Yael Yuzon.

“I don’t want to comment on the kasal-kasal thing kasi it’s personal, pero ano kung, if I’m ask to sing, I will sing,” nakangiting sabi ng binata.

Hindi pa raw nagsabi si Karylle kay Christian tungkol sa plano nitong pagpapakasal, “Hindi pa, alam ko pina-private nila ‘yan. And I heard it sa press pa, alam ko sine-secret nila ‘yun.”

Pero dadalo naman daw ang binatang singer kapag inimbita siya nina Karylle at Yael. Nanghinayang ba siya na sa iba ikakasal si Karylle, “Ha-hahaha! Ang dami naming nagawa na, pero ‘yung closeness namin and friendship, hindi mawawala.

Hindi puwede kasi kung kaibigan mo siya, dapat masaya ka for her. Ayokong mag-isip ng sayang kasi malulungkot lang tayo lahat.”

Boto ba si Christian kay Yael (naging daan din siya sa panliligaw ng band singer kay Karylle)? “Oo naman,” mabilis namang sagot ni Christian.

Naging constant date sina Christian at Karylle noong kakahiwalay ng dalaga kay Dingdong Dantes. Pero sa hindi malamang dahilan ay nag-decide sina Christian at Karylle na maging best of friends na lang at loveteam sa lahat ng musicale plays na ginagawa nila tulad na lang sa “Cinderella” na dalawang linggo na lang mapapanood sa Resorts World.

Nagkasama rin sina Karylle at Christian sa musical play na “Love And Laughter, “Rama Hari” at “Kitchen Musical.”
As of now ay looking forward si Christian na makilala na ang babaeng gusto rin niyang makasama pagdating ng panahon dahil sa edad na 32 ay aminado ang binata na, “Before my deadline is 30, e, lumampas na. Kaya I’m gonna find that girl soon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending