Hunk actor napikon nang tawaging ‘Manay’ ng prod staff

By Cristy Fermin August 11,2018
share this

Hunk actor napikon nang tawaging ‘Manay’ ng prod staff

By Cristy Fermin August 11,2018
share this

NABABAITAN ang kanyang mga katrabaho sa isang guwapong aktor. Marespeto raw siya, maayos makitungo sa kanyang mga katrabaho, pero may kakaiba siyang ugali.

Pikon daw ang male personality, madali siyang magalit, kahit walang kabagay-bagay lang ay malaking problema na kung ituring ng guwapong aktor.

“Maraming nakakapansin sa ugali niyang ‘yun. Sayang, mabait pa naman siya, mahal siya ng staff and crew, pati ng mga co-actors niya.

“May pagkapikon kasi siya. Hindi siya puwedeng basta sabihan ng kung anu-ano, hindi niya kayang palampasin ang mga ganu’ng scenario. Sasagot at sasagot siya, magmamaangas at alam mong galit siya.

“Nu’ng one time, e, isang staff ang nagkamali ng gagamiting salita nu’ng nakikiraan sa guwapong aktor, ang sabi ng girl, ‘Manay, makikiraan naman.’

“Ay, parang umakyat agad ang dugo sa ulo ng male personality, hinarap niya ang girl, ‘Ate, pakiulit nga ang sinabi mo?’ Nagulat siyempre ang staff, wala naman kasi sa kanya ang paggamit ng Manay sa male personality.

“Mula nu’n, hindi na nila kinakausap ang hunk actor pa naman, umiiwas na sila, dahil ganu’n pala siya kapikon! E, ang ibang male stars nga, tawagin mo mang bakla, e, hindi naman nagagalit!

“Uso naman sa showbiz ang tawag na ganu’n, hindi naman nagagalit ang mga artistang lalaki kapag pabiro silang ttinatawag na baklah!” simulang chika ng aming source.

Masyado siyang disenteng kumilos sa set. Para siyang naglalagay ng pader sa pagitan niya at ng mga katrabaho niya. ‘Yun ang dahilan kung bakit naiilang sa kanya ang marami.

“Okey naman sana siya, mabait siyang katrabaho at marespeto siya sa mga co-stars niya. ‘Yun nga lang, sobrang sensitive siya. May marinig lang siyang hindi niya gusto, e, agad-agad na siyang magtataas ng boses.

“Sabi na lang tuloy ng nasinghalan niyang babaeng staff, baka raw kasi may itinatago siya, baka raw hirap na siyang gumalaw dahil maraming nagsasabi na closet queen siya,” pagtatapos ng aming chikadorang source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, di unahan na kayo sa paghula kung sino ang hunk actor na ito, E, di talasan n’yo na lang ang pakiramdam n’yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending