60-anyos na faith healer arestado sa rape sa Valenzuela

August 10,2018
share this

 60-anyos na faith healer arestado sa rape sa Valenzuela

August 10,2018
share this

ARESTADO ang isang 60-anyos na nagpakilalang faith healer dahil umano sa panggagahasa sa 28-anyos na babae habang nagsasagawa umano ng ritwal sa Valenzuela City.

Nagsasagawa umano ang suspek na si Nestor Astoviza Altesola, 60, “healing” session  sa biktima nang hinila niya ito papasok ng isang silid at ginahasa, ayon sa ulat.

Matapos umano ang panggagahasa, iniulat ng biktima ang insidente sa Barangay Bignay, na siyang tumawag ng pulis at inaresto ang suspek.

Tumanggi namang magsalita si Altesola  sa isinagawang imbestigasyon.

Nanatili siyang nakakulong sa Valenzuela City Police Station habang hinihintay ang pagsasampa ng kaso.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending