Glaiza nagmarka sa ‘Liway’, binigyan ng standing ovation

August 10,2018
share this

Glaiza nagmarka sa ‘Liway’, binigyan ng standing ovation

August 10,2018
share this

SUKI na ng Cinemalaya Film Festival si Glaiza de Castro dahil tiwala na sa kanya ang mga filmmakers na kaya niyang bigyan ng hustisya ang kahit anong role na ibigay sa kanya.

Isa lang si Glaiza sa mga aktres na kayang tumawid mula small screen hanggang sa big screen dahil kayang-kaya niyang pukawin ang atensyon ng mga viewers sa kanyang mga emosyon.

Bukod sa kanyang akting, usap-usapan ngayon ang pagkanta ni Glaiza sa 2018 Cinemalaya entry na “Liway” na binigyan ng standing ovation sa gala night nito kamakailan. Puro papuri ang nababasa at naririnig namin patungkol sa performance niya sa pelikula kaya hindi imposibleng siya ang tanghaling best actress this year.

Samantala, tuluyan na nga kayang mawala ang bida-kontrabida character niyang si Contessa sa trending afternoon series ng GMA?

Sa eksena kung saan nakita ni Perfida (Max Collins) ang pagkalaglag ni Contessa sa bangin, mitsa nito ang panibagong paghihiganti nila sa pamilya Imperial.

Saan na nga ba hahantong ang walang patumanggang gantihan at labanan ng dalawang nag-uumpugang pamilya?

Kung mawala man sa eksena si Contessa, may bago na naman kayang pasabog si Glaiza sa mga susunod na tagpo? ‘Yan ang dapat n’yong tutukan sa pagpapatuloy ng Contessa sa Afternoon Prime ng GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending