Gary V umaming kinuwestiyon din si Lord nang magka-cancer | Bandera

Gary V umaming kinuwestiyon din si Lord nang magka-cancer

Ervin Santiago - July 28, 2018 - 12:20 AM

MARAMING manonood ang nakiiyak kay Gary Valenciano nang ibahagi niya ang kanyang mga pinagdaanang pagsubok nitong mga nakaraang buwan dahil sa pagkakaroon ng cancer at problema sa puso.

Sa episode kahapon ng Magandang Buhay naikuwento ni Mr. Pure Energy kung paano sinubok ang kanyang pananampalataya sa Diyos simula noong sumailalim siya sa open-heart surgery at ma-diagnose ng kidney cancer.

Magaling na nga si Gary at isa nang cancer survivor pero inamin niyang may pagkakataon na kinuwestiyon din niya ang Diyos.

“Nagkaroon ng questions…sa palagay ko, may paraan kung paano tayo mag-question kay Lord, because even Jesus did that. When Jesus was on the cross, sabi niya, ‘why have you forsaken me?’

“Sa harapan pa ng ibang tao. So para sa akin, nagkaroon ako ng question pero hindi sa kung sino si Lord o kung ano siya, o buhay o hindi, o kung totoo o hindi?

“Nagkaroon lang ako ng mga question na, ‘So, paano na ngayon? Maitutuloy ko pa ba ang mga ibinigay mo, o inilagay mo sa puso ko na gusto kong gawin? Makikita ko bang lumaki si Leia (apo kay Paolo Valenciano)? Paano ito ngayon?'” pahayag ng Kapamilya singer-TV host na umiiyak na habang nagsasalita.

Dugtong pa niya, “Maitutuloy ko ba ang pagtayo sa isang entabladong tulad nito na kaharap ko ang mga taong mahal na mahal ko? Maitutuloy ko pa ba ang pagkanta ng mga awitin na alam kong makakatulong sa buhay ng iba’t ibang tao? Paano na ito? Bakit ba? Hindi pa ba sapat ‘yung diabetes? Bakit pa ito?”

Sa nalalapit niyang birthday isa lang ang wish niya, “Sana mapatunayan sa lahat kung gaano kabait si Lord, lalo na kapag umapak na naman ako sa entablado para sumayaw at humataw at kumanta para sa lahat. That’s my wish, that it would go on for many, many more birthdays to come.”

Excited na raw siya sa pagbabalik sa Your Face Sounds Familiar Kids at ASAP.

q q q

Habang patulog na ang marami, magsisimula pa lang ang “araw” ng iba. Ngayong Linggo, tutuklasin ni Atom Araullo ang reyalidad, kagandahan, at pati na panganib ng pagtatrabaho sa gabi sa The Atom Araullo Specials: Night Shift.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilalanin si Mang Oscar na tatlong dekada nang matadero, ang 23-taong gulang na si Onyok na bulag ang kaliwang mata pero malinaw sa kanya na kailangan niyang kumayod para sa kanyang pamilya at ang photojournalist na Vincent Go.

Samahan si Atom sa isang makabuluhang pagtalakay at paglalakbay bukas sa The Atom Araullo Specials: Night Shift, 4:30 p.m. sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending