Horoscope, July 22, 2018 | Bandera

Horoscope, July 22, 2018

Madam Sophia |July 22,2018
facebook
share this

Horoscope, July 22, 2018

Madam Sophia - July 22, 2018 - 12:16 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon na upang pairalin ang lakas ng loob. Kapag nabuo ang iyong isipan sa lahat ng iyong mga pangarap at layunin sa buhay, malaking tagumpay at gantimpala ang kasunod na may kaugnayan sa pag-ibig at materyal na bagay. Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Magtutuloy-tuloy ang malalaking suwerte at magagandang kapalaran, na ngayon mo pa lang mararanasan. Ang mahalaga, laging maniwala sa iyong sariling kakayahan. Sa pag-ibig, wag mag-isip na palitan ang kasuyo, okey na siya kaysa sa wala. Mapalad ang 6, 9, 19, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Maroon at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Mahalin ang kalikasan, ngayong tag-ulan magtanim ng gulay. Gaganda na ang kapaligiran, mayroon ka pang maaani pagdating ng araw. Sa pag-ibig, suportahan ang kasuyo sa mga organisasyong nagpe-preserba ng environment. Mapalad ang 7, 18, 29, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Yophiel”. Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Wag kang titigil sa halip, tuloy-tuloy kang kumilos ng kumilos hanggang sa makamit mo ang isang malaking tagunpay. Sa pag-ibig, kapag lagi kayong magkasundo ng iyong minamahal, mas maraming mga biyaya ang suwerte ang kusang darating sa inyong samahan. Mapalad ang 5, 11, 23, 28, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. White at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Higit kang magiging mapalad sa negosyong may kaugnayan sa tubig at lusaw na mga bagay. Wag ng magdalawang isip, pagkilos at aksyon ang kailangan. Sa pag-ibig, hindi makapagbibigay sa iyo ng kaligayahan ang pagdadalawang isip. Mapalad ang 2, 11, 16, 27, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Dosya-Om”. Red at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Ang pagsasayang ng pera ay hindi na dapat pang maulit. Kapag may dumating, tipid at pagsisinop ng kabuhayan ang dapat. Sa ganyang paraan, magsisimula ka ng yumaman. Sa pag-ibig, simpleng date na lang ang dapat para hindi magastos. Mapalad ang 4, 14, 21, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Wag panghinayangan ang nawalang pera, muling simulan ang negosyong noon mo pa naiisip. Sa pag-ibig, higit na kapanapanabik na romansa ang naghihitay, basta wag mo lang pag-aalinlangan ang iyong sariling kakayahan. Mapalad ang 4, 6, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel, Hagiel.” Lilac at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Isang kakilala ang may lihim na pagtingin sa iyo, kaya lang wala siyang lakas ng loob na sabihin ito. Ikaw na ang gumawa ng paraan, upang magkaigihan kayo. Sa pinansyal, may dagdag ng salaping darating may bonus pang masarap na romansa. Mapalad ang 3, 9, 19, 27, 32, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Elohim-Adonai-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Iwasan ang walang katuturang pagmamayabang. Sa pinansyal, kapag tahimik ka lang lalong bibilis ang paglago ng kabuhayan. Sa pag-ibig wag labis na utusan ng utusan ang minamahal ko mo’t alam mo sunod lang siya ng sunod sa iyo. Mapalad ang 3, 16, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Green at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kahit anupa ang gawin mo ang suwerte at magagandang kapalaran ay tuloy-tuloy na mapapa sa iyo. Ang mahalaga, lagi kang tumulong sa iyong pamilya at sa mga taong alam mong wala ng maaasahan, upang ang suwerte at magagandang kapalaran ay manatili sa iyong buhay. Sa pag-ibig, patuloy kang mamahalin ng kasuyong may kayumamngging kulay ng balat. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kulitin ng kulitin ang kasuyo hanggang sa bumigay. Sa pinansyal, wag tumigil ng pangangalakal hanggang sa tuluyang makamit ang malaking pagyaman. Mapalad ang 4, 17, 23, 29, 33, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Gold at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Dahil sa isang intriga, malaking problema na naman ang iyong kakaharapin. Sa pag-ibig, upang lumigaya at umunlad, hindi ikaw ang dapat masunod kundi ang iyong kasuyo. Mapalad ang 8, 19, 27, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Apple green at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Hindi pupuwedeng isip lang ng isip. Pagkilos ang mitsa na magsisindi ng pagyaman. Sa pag-ibig, tuparin ang mga ipinangako sa kasuyo upang hindi na siya magtampo. Mapalad ang 7, 20, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Mayabeeja”. Silver at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending