Pang-asar na male celebrity pinagalitan ng mga TV exec | Bandera

Pang-asar na male celebrity pinagalitan ng mga TV exec

Reggee Bonoan |July 19,2018
facebook
share this

Pang-asar na male celebrity pinagalitan ng mga TV exec

Reggee Bonoan - July 19, 2018 - 12:15 AM

PINAYUHAN ang isang aktor na gumagawa pa lang ngayon ng sariling pangalan sa showbiz na burahin ang maanghang na komento niya sa social media tungkol sa isang kapwa aktor.

Pinalagan ng netizens ang post ng aktor laban sa isa pang male celebrity dahil hindi ito makabubuti sa kanya. Pinagsabihan din siya ng ilang TV executives na nakabasa nito kaya agad nga niyang binura.

Tsika ng aming source, “Sinabihan siya ni (TV executive) na burahin ang post niya, baka mag-boomerang sa kanya. Wala naman kasing sense ‘yung post niya, parang nang-aasar lang. Hindi naman sila magkaibigan nu’ng sinabihan niya. Ayun, natakot ang lolo mo kaya binura agad.”

Oo nga, nagkamali ang aktor sa pang-aasar ang kapwa niya aktor dahil well-loved ito sa industriya, ni minsan ay wala itong ipinakitang masama at higit sa lahat, matulungin pa sa mga nangangailangan, kaya wala talagang dahilan para siya’y i-bash.

In fairness, tahimik lang ang mabait na aktor sa ginawa sa kanya ng hanggang ngayo’y hindi pa rin sumikat-sikat na male star.

Hindi na niya ito pinatulan na tama lang naman dahil mas kilala naman siya sa mundo ng showbiz at higit sa lahat mas marami rin siyang achievements kumpara sa wannabe actor.

Moral of the story, bago makisawsaw sa isang isyu, esep-esep din kapag may time. At kung may ipinost ka, panindigan mo para huwag masabihang “wala kang balls.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending