Baeby Baste na-dengue, pamilya humiling ng dasal

July 11,2018
share this

Baeby Baste na-dengue, pamilya humiling ng dasal

July 11,2018
share this

HUMIHILING ng dasal ngayon ang pamilya at iba pang nagmamahal sa bagong child wonder na si Baeby Baste Grafon para sa mabilis na paggaling nito.

Naospital kasi ang pinakabatang host ng Eat Bulaga matapos madale ng dengue. Na-confine pa ito kaya naman ang Bes niyang si Maine Mendoza ay alalang-alala sa kanyang kundisyon.

Sa Instagram page ni Baeby Baste na mina-manage ng kanyang mga magulang na sina Papa Sol at Mama Shiela, naka-post ang litrato ng bata habang natutulog sa kanyang hospital bed.

May caption itong, “Yung kuya na ayaw mawala ka sa tabi niya sa hospital tapos ung bunso hanap ng hanap sayo sa bahay kasi may lagnat din. Yung iiyak ka nlng sa sulok na naka off ang lights na walang hagulgol para di makita at marinig ni Baste pero ang sakit na. Lord, help me to trust You more especially with regards to my kids. -Psalm 31:3- #IneedYouLord.”

Kasalukuyang nagpapagaling ngayon ang bata at umaasa ang kanyang pamilya at mga Dabarkads na very soon ay mapapanood na uli siya sa noontime show ng GMA.

Gayumpaman, unstopabble pa rin ang bagets dahil muli siyang mapapanood sa Daig Kayo Ng Lola Ko kasama si Maine sa pagpapatuloy ng kuwento ni Laura Patola at Duwen-ding.

Mahanap na nga kaya ni Duwen-ding ang sombrero niyang pinagkukunan ng super powers? Tutok lang sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo sa GMA!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending