Pacman inulan ng batikos sa ‘basketbrawl’ comment: Wala siyang alam sa team play!

By Cristy Fermin July 06,2018
share this

Pacman inulan ng batikos sa ‘basketbrawl’ comment: Wala siyang alam sa team play!

By Cristy Fermin July 06,2018
share this

MANNY PACQUIAO

Maraming tumutuligsa ngayon sa Pambansang Kamao dahil sa kanyang pahayag na bilang host country ng ginanap na FIBA, dapat ay nagpairal ng pagpapakumbaba at paggalang ang mga manlalaro ng ating team, dahil itinuturing na bisita ang kanilang mga katunggali.

Hindi lahat ay sumang-ayon sa mga komento ni Senador Manny Pacquiao, palibhasa raw ay walang alam sa team play ang boksingero, dahil mag-isa lang siyang nakikipag-upakan sa ring.

Mag-isa lang siyang nakikipagsuntukan, wala siyang kasama sa pakikipagsukatan ng lakas, kaya blangko siya sa tinatawag na team play.

Sabi ng isang netizen na hindi aprubado sa kanyang komento, “Tawagin ba namang unggoy ng mga Australyano ang Team Pilipinas, tama ba ‘yun? Hindi ba aalsa ang mga Pinoy players sa panglalait sa kanila ng mga dayuhan?

“Kapag ganu’n na ang mga trash talk na naririnig ng mga players mula sa dayuhan, anong pagpapakumbaba pa at pagrespeto ang pinagsasasabi ni Senator Pacquiao?

“Ano ‘yun, basta tanggapin na lang natin ang mga pangyuyurak nila, hindi na lang tayo kikibo? Ano ba naman ‘yan? Siya nga, kapag may laban siya, e, todo ang suporta sa kanya ng buong bayan, tapos ngayon, e, ganyan ang mga sinasabi niya?” mahabang komento ng ating kababayan.
Pasok!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending