Aljur: Ang sarap ng feeling na pinapayuhan ako ni papa Robin! | Bandera

Aljur: Ang sarap ng feeling na pinapayuhan ako ni papa Robin!

|July 03,2018
facebook
share this

Aljur: Ang sarap ng feeling na pinapayuhan ako ni papa Robin!

- July 03, 2018 - 12:10 AM

KYLIE PADILLA, ROBIN PADILLA AT ALJUR ABRENICA

ISANG malaking blessing daw para kay Aljur Abrenica ang makaayos sila ni Robin Padilla, ang tatay ng kanyang partner na si Kylie Padilla.

“Dati kasi parang may tinik. Kahit masaya kami ni Kylie, mayroong parang…hindi suwabe lahat. Pero ngayon nasa harmony na. One of the best na pakiramdam noong nangyari ‘yung pamamanhikan,” ang pahayag ng aktor sa episode kahapon ng Magandang Buhay.

Dugtong pa niya, “Kasi ‘yung suporta na natatanggap ko from Papa Robin at ‘yung advise sa pagiging ama at pagiging good leader at good provider ay masarap sa pakiramdam ‘yon. So, thankful ako sa kanya.”

Kung matatandaan, namanhikan ang pamilya ni Aljur sa family ni Kylie noong Pebrero at mula nga noon, nagtuluy-tuloy na ang magandang relasyon nila ni Binoe.

Ibinalita rin ni Aljur na inaayos na nila ni Kylie ang kanilang kasal pati na rin ang selebrasyon para sa first birthday ng kanilang anak na si Alas Joaquin sa darating na Aug. 4.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending