Kalat na: Kampo ni Coco inaayos na ang pagbisita sa Eat Bulaga

By Ambet Nabus June 25,2018
share this

Kalat na: Kampo ni Coco inaayos na ang pagbisita sa Eat Bulaga

By Ambet Nabus June 25,2018
share this


AY, mas bongga pala ang edisyon ng Miss Manila ngayong taon!

Bukod kasi sa P1 milyon pac-kage para sa winner, may instant project na agad siya para sa isang bonggang pelikula ng Viva Films, kasama ang kanyang mga runner-up.

Nasa ikalimang taon na ang Miss Manila under MARE Foundation ni Ms. Jackie Ejercito, ka-tie-up ang Lunsod ng Maynila at VIVA Live.

Marami-rami na ring mga kontesera na galing dito ang rumampa sa iba’t ibang national and international pageants at inaasahan ngang this year ay muling makakadiskubre ang Miss Manila ng bagong batch ng mga palabang beauty queens.

Ang 32 official candidates na maglalaban-laban for Miss Manila 2018 ay sina: Esel Mae Pabillaran, Lux Coleen Brusas, Charlotte Jhiza Beleno, Genesis Durana, Elaine Contreras, Kristi Celyn Banks, Ria Angelique Siozon, Julee Anne Mae Cabrera, Kayla Fajardo, Paulina Labayo, Malka Suaver at Ma. Flordeliza Mabao.

Makikipagtagisan din sa ganda at talino sina Katrina Racelis, Dyan Shane Mag-abo, Leitz Camyll Ang, Therese Marie Marguerette Gaston, Lois Sta Maria, Maria Lianina Macalino, Nikki Lim Sotelo, Agatha Lei Romero, Sheika Hanna Galang, Christine Roazol, Joanna Day at Angelique Mae Santos.

Nakapasok din sa finals sina Kathleen Joy Paton, Juliee Ann Forbes, Zeta Erin Alegre, Joan Patrice Dulina, Georgette Coronacion, Samantha Elin Coloso, Beatriz Canary Tolentino at Lean Dominique Lalu.

Ngayong June 26, 8 p.m. na gaganapin ang grand coronation night sa Philippine International Convention Center (PICC) Reception Hall. Ipapalabas ang TV special nito sa July 1, sa ABS-CBN’s Sunday’s Best, after Gandang Gabi Vice.

q q q

Hmmmm, mag-share rin kaya ng kanyang yaman si Coco Martin kapag nag-guest ito sa Eat Bulaga para sa promo ng gagawin nilang pelikula ni Vic Sotto na ilalaban sa MMFF 2018?

After ngang makumpirma ang balitang pagsasanib-pwersa nina Coco at Bossing sa MMFF, may tsikang lumabas na posible ngang umapir ang Kapamilya Teleserye King sa noontime show ng GMA 7.

And this early ay pinag-uusapan na raw kung kailan mage-guest si Coco sa Eat Bulaga para maselyuhan na ang first project nila together ni Bossing Vic.

And knowing Coco na isa ring very generous person, siguradong may baon ‘yan sa pagpunta niya sa Eat Bulaga para ipamahagi naman sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Ang tanong lang diyan, kailan kaya mangyayari ang pagbisita ni Coco sa GMA? Payagan nga kaya siya ng ABS-CBN na mag-guest sa Eat Bulaga?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending