Rayver pipirma na ng kontrata sa GMA; Beauty Kapuso na rin

By Jun Nardo June 20,2018
share this

Rayver pipirma na ng kontrata sa GMA; Beauty Kapuso na rin

By Jun Nardo June 20,2018
share this

KUMALAT sa social media na ngayong umaga raw ang pormal na pagpirma ng kontrata ni Rayver Cruz sa GMA Network.

Pero wala pang opisyal na kumpirmasyon tungkol sa chikang ito na kumalat na nga sa social media.

Umingay ang pagtalon ni Rayver sa GMA nang maki-party siya sa get together ng cast and staff ng Kapuso series na Legally Blind na pinagbidahan ng rumoured girlfriend niyang si Janine Gutierrez kamakailan lang.

Bukod kay Rayver, ang isa pang Kapamilya artist na lumutang sa bakuran ng Channel 7 ay si Beauty Gonzales. Umapir ang aktres sa isang episode ng Celebrity Bluff at nakigulo kasama ang ibang guests. Ito na kaya ang sign na magiging Kapuso na rin ang aktres? Aba, sa sunud-sunod na paglipat ng Channel 2 stars sa GMA, tila may exodus na rin na nagaganap ngayon sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending