Hala, kapatid na Ervin, gaano katotoo ang tsika na noong ni-represent ni John Lloyd Cruz ang partner niyang si Ellen Adarna sa preliminary investigation hearing ng mga kasong kinakaharap nito ay nasa tabi-tabi lang ang sexy star.
Hindi na nga raw ito umakyat sa sala ng prosecutor na duminig sa kaso, pero may mga nakakita diumano sa kanya sa isang sasakyan habang naghihintay kay Lloydie sa labas ng korte. Mukhang handa naman daw ang preggy sexy star na umapir sa court kung ipinag-utos ng fiscal.
Nag-request ng reset ang abogado ni Ellen at balitang in-schedule ito ng fiscal sa June 25, isang araw matapos ang birthday ni Lloydie.
May mga nagsasabing kabuwanan na ngayon ni Ellen at anytime ay manganganak na ito kaya’t super aligaga at asikaso ang aktor sa lahat ng kailangan ng kanyang ka-live in, kabilang na nga ang mga demanda nito.
Maswerte rin talaga si Ellen kay John Lloyd dahil suportado siya nito hanggang sa kanyang mga asunto. Talagang “you and me against the world” ang drama nila kaya naman marami ring nagdarasal na sana’y pang-forever na nga ang kanilang love story.
###
PersonaL akong nagpapasalamat sa pamilya nina Manay Marichu Vera-Perez Maceda sa pagbibigay nila sa akin ng karangalan bilang recipient ng 2018 Dr. Jose Perez Memorial Award for Journalism.
Sa naging matagumpay na seremonya ng ika-66 gabi ng FAMAS, naranasan kong matawag na awardee. Noong 1984 sinimulang ipagkaloob ng Vera-Perez family ang Dr. Jose Perez Memorial Award at nakakataba ng puso na ako ang napili nilang tumanggap nito this year.
Kinikilala nito ang mga managers, public relations officers, entertainment columnists at starbuilders na nagpakita ng “great mastery and professionalism” sa kanilang trabaho.
Ilan sa mga mahal at nirerespeto nating colleagues ang nakatanggap na nito gaya nina Kuya Ricky Lo, Manay Ethel Ramos, Ernie Pecho, Mario Dumaoal, Jojo Gabinete at Dolly Ann Carvajal.
Lubos-lubos ang kasiyahan at pasasalamat ko sa mga kapwa ko taga-industriya na nasa larangan ng journalism dahil sa suporta nila sa inyong lingkod. Ang mga naging mentors ko since 1989 na sina Ate Luds (Inday Badiday) at direk Maryo J. delos Reyes, hanggang kina Nanay Cristy Fermin at Nay Lolit Solis, ay labis ko ring pinasasalamatan.
Pero kung wala ang mga editors, publishers, publications, station managers at TV executives, ang mga bonggang movie producers, mga artista at workers sa industriyang ito, at higit sa lahat ang mga readers, listeners, mga kapwa ko ring movie fans (lalo na ang mga kapwa ko Vilmanians), at ang mga nagbibigay feedback at kritisismo sa bawat gawain ko dito ay wala sigurong Ambet Nabus.
Baon at bitbit ko ang magagandang values na namana ko mula sa aking mga magulang at mga kapamilya, ang mga aral na nakuha ko sa aking relihiyon at mga eskuwelahan, lalo na sa UP College of Mass Communication, ang mga adbokasiya ko sa edukasyon at “green earth” sa tulong ng Smart-PLDT Gabay Guro, CMAS-Phils., GREEN movement at UP-CMC Alumni Association.
At maging ng ugnayan ko sa anak kong si Neeyong, hindi rin marahil posible ang matawag na responsable at may kredibilidad na manunulat at mamamahayag sa industriyang ito.
Maraming Salamat po LORD!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.