P170M jackpot sa Biyernes type mo?

By Leifbilly Begas June 14,2018
share this

P170M jackpot sa Biyernes type mo?

By Leifbilly Begas June 14,2018
share this

INAASAHANG aabot sa halos P170 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola bukas ng gabi.

Hindi tinamaan ang P164.1 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola noong Martes at inaasahan na lalo pang lalaki ang premyo.

Ngayong taon ay isa beses pa lamang tinatamaan ang jackpot prize ng Ultra Lotto. Ito ay noong Pebrero 16 kung saan dalawa ang naghati sa P331.9 milyon.

Kung tatamaan, babalik sa P49.5 milyon ang jackpot prize.

Noong 2017, ay dalawang beses lamang tinamaan ang jackpot prize ng Ultra Lotto. Unang noong Marso 28 at nagkakahalaga ng P286 milyon ang pinaghatian ng tatlong mananaya.

Muli itong tinamaan noong Setyembre 5, 2017. Nagkakahalaga ng P256.8 milyon ang pinaghatian ng dalawang mananaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending