‘Para kaming lukring habang mag-isang tumatawa sa mga sundot ni Vice Ganda!’

By Cristy Fermin June 13,2018
share this

‘Para kaming lukring habang mag-isang tumatawa sa mga sundot ni Vice Ganda!’

By Cristy Fermin June 13,2018
share this

NANDU’N pa rin ang saya, pero kulang na kulang sa rekado ang noontime show na It’s Showtime kapag wala si Vice Ganda, alam mong kumbaga sa ulam ay may hinahanap kang lasa na hindi kayang ibigay ng mga kasamahan niya.

Napakabilis ng takbo ng utak ng sikat na komedyante, sa napakasimpleng komento ng kanilang mga kalahok ay nadudugtungan niya agad ‘yun ng komentong kundi man may kakambal na komedya ay seryoso, ginagamit ni Vice Ganda ang bawat segundo ng kanilang programa sa pagpapasaya ng kanilang manonood.

May mga nagpapa-book ngang mula sa malalayong probinsiya na nagtatanong muna kung sa araw bang puwede silang makapanood ng noontime show ay nandu’n si Vice Ganda.

Sabi ng aming insider sa noontime show, “Ganu’n ang palaging tanong ng mga nagpapa-schedule, kung nasa show ba si Vice Ganda kapag nanood sila. Kapag sinabi ng kasamahan namin na wala dahil may show siya sa ibang bansa, e, sasabihin nila na saka na lang sila magpapa-book.

“Siya talaga ang sinasadya ng mga kababayan natin, ang dami-dami naman nilang makikita sa live show, pero ayaw talaga nila kapag wala si Vice Ganda,” pahayag ng aming kausap.

Nu’ng isang hapon ay para kaming nalulukring habang mag-isang tawa nang tawa kay Vice Ganda.

May bulaklak sa ulo ang kanyang kaharutang si Jackque, tinanong niya kung mabango ba ang bulaklak ng dalaga, oo raw naman.

Ang bilis ng sundot ni Vice, “Ikaw ang bulaklak, gusto mo bang ako ang maging tangkay mo?” Witty! May halo mang kalokohan ang kanyang sinabi ay isa lang ang maiisip mo—para sa kanya talaga ang parangal na ibinigay ng FAMAS mula sa pamilya ng yumaong Comedy King na si Tito Dolphy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending