Ama ni Ellen di na nakita ang apo, nag-iwan ng malaking yaman | Bandera

Ama ni Ellen di na nakita ang apo, nag-iwan ng malaking yaman

Cristy Fermin |June 05,2018
facebook
share this

Ama ni Ellen di na nakita ang apo, nag-iwan ng malaking yaman

Cristy Fermin - June 05, 2018 - 12:05 AM

Sayang dahil hindi na nakita ng ama ni Ellen Adarna ang panganay nila ni John Lloyd Cruz dahil sa biglaang pagkamatay nito.

Ayon sa kampo ng sexy star ay manganganak na siya anumang oras ngayong Hunyo, kaya nakapanghihinayang talaga, dahil hindi na nakita ni Mr. Alan Adarna ang unang apo nito kay Ellen.

Ang namayapang ama ni Ellen ay kaibigan ng isang kaibigan din namin, napakalaki raw ng iniwanang kayamanan nito, hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang chain of hotels nila sa Cebu at Davao (Queensland Hotel).

“Napakasimple ng father ni Ellen, hindi mo nga iisipin na ganu’n siya kayaman kung pumorma. Napakasimple niya, low key,” sabi pa ni Tito Manny Garcia.

Bawal ma-stress ang malapit nang manganak, matinding ipinagbabawal ng mga doktor ang ganu’n, kaya sana’y hindi makaapekto sa kanyang sitwasyon ngayon ang pagpanaw ng ama ni Ellen Adarna.

Ang tanong, ipakita naman kaya ng magkarelasyon ang kanilang magiging anak sa publiko, hindi kaya ilihim din nila ang pagsisilang sa sanggol tulad ng ginagawa nila ngayon na pakikipaglaro sa mga nakatutok sa kanilang personal na buhay?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending