Ellen, John Lloyd nanghihingi ng privacy pero pakalat-kalat naman kung saan-saan | Bandera

Ellen, John Lloyd nanghihingi ng privacy pero pakalat-kalat naman kung saan-saan

Cristy Fermin |May 22,2018
facebook
share this

Ellen, John Lloyd nanghihingi ng privacy pero pakalat-kalat naman kung saan-saan

Cristy Fermin - May 22, 2018 - 12:05 AM


SI Ellen Adarna ang klase ng artistang galit na galit sa mga paparazzi pero siya naman mismo ang naglalantad ng mga nagaganap sa kanyang buhay.

Nademanda na nga siya dahil sa kuwentong ganyan, pinagbintangan niya ang isang menor de edad na kumukuha ng video nila ni John Lloyd Cruz, kaya ipinaglantaran niya sa social media ang itsura ng kinainisan niyang paparazzi daw.

Kapribaduhan ang ipinaglalaban nila ni Lloydie, pero hindi naman sila mapakali, dayo sila nang dayo sa kung saan-saang matataong lugar.

Ayaw na ayaw nilang may pumapansin sa kanila, panghihimasok na raw ‘yun sa kanilang privacy, pero palagi naman silang nagpo-post ng mga video tungkol sa nagaganap sa kanila sa maghapon.

Weirdo talaga ang magkarelasyong ito. Maglalabas sila ng batas na hindi nakasulat sa papel pero sila rin naman ang unang-unang bumubutas sa gusto nilang mangyari.

Ang humihingi ng hustisya ay sumisigaw sa kalye kung paanong ang humihiling ng kapribaduhan ay nagtatago lang, hindi pakalat-kalat sa kung saan-saan, para matupad ang kanilang isinisigaw.

Anong privacy ang sinasabi nina John Lloyd at Ellen Adarna kung ganyan na pati ang pagpe-pedicure ng babae ay nakadokumento pa?

Privacy daw ba? E, bakit ipinagbubuyangyangan ni Ellen Adarna ang malaki niyang tiyan sa publiko?
Weird!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending