2 kumakandidatong kapitan sa Bohol nagbunutan matapos magtabla

May 16,2018
share this

2 kumakandidatong kapitan sa Bohol nagbunutan matapos magtabla

May 16,2018
share this

NAGBUNUTAN ang dalawang tumatakbo bilang kapitan ng barangay sa bayan ng Cabawan, Bohl matapos pareho ang botong nakuha sa katatapos na eleksiyon.

Isinagawa ang bunutan ganap na alas-9 ng umaga kahapon para madetermina kung sino ang uupong kapitan ng barangay kina
Marcial Quiwag at ang kasalukuyang Barangay captain na si Doroteo Garsuta, matapos makakuha ng parehong 426 boto.

Anim na piraso ng papel na may nakasulat na numerong isa hanggang anim ang ibinilit bago ilagay sa loob ng isang bowl.

Ang panuntunan, ang makakakuha ng pinaka mataas na numero ang mananalo.

Nakuha ni Garsuta ang mga numberong 3, 5 at 6, samantalang 1, 2 at 4 naman si Quiwag

Idineklara si Garsuta na siyang nanalo.

Tinanggap naman ni Quiwag, ang kanyang kapalaran.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending