Aga binalikan ang alaala ng pumanaw na ama | Bandera

Aga binalikan ang alaala ng pumanaw na ama

Reggee Bonoan |May 16,2018
facebook
share this

Aga binalikan ang alaala ng pumanaw na ama

Reggee Bonoan - May 16, 2018 - 12:10 AM

AGA MUHLACH

TAOS-pusong nagpasalamat si Aga Muhlach sa lahat ng mga nakiramay sa kanilang pamilya matapos pumanaw ang kanyang amang si Cheng Muhlach.

“Maraming, maraming salamat, sa inyong lahat. Sa iba na hindi pa ako nakakasagot, hindi ko rin alam kung paano magpasalamat sa inyo,” pahayag ni Aga sa panayam ng ABS-CBN.

Nagkuwento ang aktor tungkol sa namayapang ama kung saan sinabi nito kung paano siya na-inspire ng kanilang tatay sa pagpasok sa showbiz.

“My dad has his own life, alam naman (ng lahat), nu’ng 70’s pa yung mga kaibigan niya na gumagawa ng pelikula na kasama niya.

“Lahat yan hanggang sa pagtanda niya, pero sa pagtanda niya wala na siyang ginawa kundi bantayan ang mga anak niya,” pahayag ni Aga sa nasabing panayam.

Pagpapatuloy pa niya, “Papa is just like any father, who’s always concerned with each and every one of us even if we’re getting old. When I was gaining weight he called me and told me na, ‘Aga lose weight.’

When I was kinda retiring he tells me na, ‘Aga go back to work.’ He really loves his children.”

Na-cremate noong Linggo ang labi ni G. Muhlach at kahapon ginanap ang internment sa Aeternum Columbary sa Fort Bonifacio, Taguig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending