Vice Ganda, Maine: King and Queen ng Twitter PH sa 1st quarter ng 2018

By Jun Nardo May 14,2018
share this

Vice Ganda, Maine: King and Queen ng Twitter PH sa 1st quarter ng 2018

By Jun Nardo May 14,2018
share this

VICE GANDA AT MAINE MENDOZA

MATINDI pa rin ang bagsik ni Maine Mendoza sa Twitter world lalo na rito sa Philippines.

Naglabas ng datos kahapon ang Twitter PH kung saan si Maine ang nanguna bilang Top Female Celebrity sa nasabing social networking site mula sa buwan ng January hanggang April 2018.

Tinalbugan niya ang Kapamilya female celebs na sina Maris Rascal, Loisa Andalio, Maymay Entrata at Kathryn Bernardo na nasa ikalawa hanggang ikalimang posisyon.

Nanguna naman sa Top Male Celebrity si Vice Ganda at sumunod sa kanya sina Donny Pangilinan, Alden Richards, James Reid at Ronnie Alonte.

Sa top trending teleseryes sa nasabing mga buwan, kabilang ang GMA series na Sherlock Jr at Kambal, Karibal. Bago ang Top Male and Female Celebrity, unang inilabas ng Twitter PH ang Top Loveteams kung saan nag-number one ang AlDub tandem nina Alden at Maine.

Ayon sa bahagi ng announcement ng Twitter PH, “Today, we release the first edition of Philippine Entertainment Index Index for you to keep track of #WhatsHappening.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending