Juancho Trivino: Wala kaming relasyon ni Maine, at hindi ko rin siya nililigawan! | Bandera

Juancho Trivino: Wala kaming relasyon ni Maine, at hindi ko rin siya nililigawan!

Jun Nardo - May 13, 2018 - 12:01 AM

JUANCHO TRIVINO, MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

UMARAY na si Bea Binene sa banat ng ilang AlDub fanatics na wala silang relasyon ni Alden Richards at walang kinalaman ang Pambansang Bae sa mga bulaklak na ipinost niya sa Instagram.

Naku, kung si Kristoffer Martin nga na kaibigan din ni Alden, pinagdududahan na karelasyon ng aktor, aba, having the best of both worlds si Alden? Ganu’n?

As if wala nang sariling buhay sina Alden, Bea at Kristoffer na maging magkakaibigan, huh!

Idagdag pa ang kaso ni Juancho Trivino. Kaibigan niya sina Maine Mendoza at Sheena Halili. Nabuo ang friendship nila nang gawin ang GMA series na Destined To Be Yours.

Dahil sa madalas na pagsasama sa mga lakad, hayun, nag-one plus one equals two ang fans. Nanliligaw raw si Juancho kay Meng at sinira pa ang tiwala ni Alden.

Tinuldukan ni Juancho ang kumakalat na tsismis tungkol sa kanila ni Maine nang makausap siya ng press sa upcoming GMA News & Public Affairs series na Inday Will Always Love You.

“Hindi ko po nililigawan si Maine. Hindi ko naman kinu-consider ‘yan ngayon. Kasi personally I just came out with a relationship siguro mga last year. Gusto ko naman ngayong mag-focus sa career ko.

“Hindi ko nga alam kung bakit ayaw mamatay ang isyu. Nahihiya nga po ako kasi siyempre nadadamay ang pangalan niya everywhere I go,” ani Juancho.

Diin pa ng Kapuso actor, close friend lang sila ni Meng kaya walang dapat ikabahala ang AlDub fans.
Samantala, nagbubunyi muli ang AlDub fans dahil sa inilabas na impormasyon ng Twitter Philippines sa Top Loveteams na may millions of followers mula January to April 2018, number one na naman kasi ang AlDub. Kasunod nila ang MayWard, KissTon, DonKiss at JaDine loveteams.

“Congratulations to #AlDub @mainemendoza @aldenrichards02 for topping the Twitter chart in January-April. With millions of followers, they continue to speak hundreds of conversations and generate millions of tweets worldwide,” saad ng Twitter PH sa account nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending