Bakit biglang humingi ng bakasyon si Derek?
SPEAKING of “Kasal”, ito ang magsisilbing comeback project ni papa Derek Ramsay sa Star Cinema after na mag-expire ang kanyang kontrata sa TV5.
Two years ago kasi ay nakagawa pa siya ng pelikula sa Star Cinema pero never siyang nakapag-promote sa mga shows ng Dos unlike ngayon na nagawa pa niyang sumayaw sa It’s Showtime.
Masayang-masaya nga si Papa D na muling nakatuntong sa bakuran ng ABS-CBN at muling maka-bonding ang mga dating kasama at kaibigan nang walang nagbabawal o nagba-ban, “This is really a very good homecoming,” sey pa nito.
Nang matanong kung gagawa na ba uli siya ng teleserye sa ABS? “I’m taking baby steps at a time. I’m soaking it all, the excitement and the blessings I’ve been given. You know, my contract with the other network just expired, and here I am doing a movie with Star Cinema.
“And I have another movie with them lined up already. After this movie, I’m gonna take a week or two just to soak in, like, everything that’s happening. It’s like a rollercoaster right now,” sey pa ni Papa Derek.
Maganda ang tema ng movie ni direk Ruel Bayani dahil may political angle ito sa parte ng roles nina Paulo Avelino, Christopher de Leon at Cherrie Gil. Kasama rin dito sina Ricky Davao, Celeste Legaspi at Ces Quesada at showing na this coming May 16.
Lahat naman ng involved sa “Kasal” ay nag-agree sa dasal ng lahat na sana by then ay humupa na at wala ng lagnat ang sambayanan sa pelikulang “Avengers: The Infinity War” na daang-daang milyones na ang kinikita sa Pilipinas kaya barya-barya na lang ang napunta sa mga local flicks natin.
“Du’n kami talagang kinakabahan. Dapat tapos na, para tayo naman ang panoorin,” pakorus pang sabi nina Papa D at Paulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.