Ellen Adarna sa mga kaaway: 'Paa ko lang kayo!' | Bandera

Ellen Adarna sa mga kaaway: ‘Paa ko lang kayo!’

Cristy Fermin |May 11,2018
facebook
share this

Ellen Adarna sa mga kaaway: ‘Paa ko lang kayo!’

Cristy Fermin - May 11, 2018 - 12:35 AM

ELLEN ADARNA

HINDI naging positibo ang pagtanggap ng ating mga kababayan sa pinakahuling Instagram post ng kontrobersiyal na sexy star na si Ellen Adarna.

Mainit pa ring isyu ngayon ang hinihinging public apology mula sa kanya ng ina ng menor de edad na ipinaglantaran niya ang itsura sa social media. Limang araw lang ang palugit ng mga ito, kapag hindi niya ‘yun ibinigay-ginawa, sa korte na sila magkikita-kita.

Naging tahimik ang mundo nina Ellen at John Lloyd Cruz, walang sagot ang sexy star sa panawagan ng ina ng menor de edad, sa halip ay nag-post si Ellen ng video habang nagpe-pedicure siya ng kanyang paa.

Sabi ni propesor, “Ano kaya ang nasa utak ni Ellen nang i-post niya ‘yung pagpe-pedicure niya? Na ang katapat lang ng hinihinging apology ng family nu’ng menor de edad, e, ang paa niya?

“Kani-kanyang interpretasyon lang naman ‘yan, e. Puwedeng wala siyang panahon, puwede rin namang paa ko lang kayo, di ba? Hindi maganda ang connotation ng ipinost niya, pero she can easily deny it naman.

“Si Ellen pa ba? Hawak nila ngayon ni Lloydie ang lahat ng dahilan sa mundo. Nagmamahalan sila, ganu’n lang, ‘yun ang pinakamahalaga sa buhay nila ngayon,” sabi pa ni prop.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending