Direktor mas pinili si Jameson kesa kay Elmo para kay Janella | Bandera

Direktor mas pinili si Jameson kesa kay Elmo para kay Janella

Reggee Bonoan |May 09,2018
facebook
share this

Direktor mas pinili si Jameson kesa kay Elmo para kay Janella

Reggee Bonoan - May 09, 2018 - 12:15 AM

JANELLA SALVADOR AT JAMESON BLAKE

MASWERTE si Direk Jason Paul Laxamana dahil nakakatawid siya sa tatlong major movie outift sa bansa – ang Star Cinema, Viva Films at Regal Entertainment. Bukod pa ‘yan sa iba pa niyang indie projects.

As of this writing ay natapos nang gawin ni direk JP (tawag sa direktor) ng pelikula niya sa Regal Films na siya mismo ang nagsulat, ang “So Connected” kung saan bida sina Jameson Blake at Janella Salvador na mapapanood na sa Mayo 23.

May ginagawa rin siyang pelikula sa Star Cinema na pinagbibidahan naman nina Maja Salvador at Zanjoe Marudo na may working title na “To Love Sumbuddy”, isama pa ang Viva project niyang “The Day After Valentines” na balik-tambalan nina JC Santos at Bela Padilla.

Aminado si direk Jason Paul na sinasamantala niya ang panahong mabenta siya dahil alam niyang hindi naman ito forever kaya habang kumikita siya bilang scriptwriter at director ay inilalagay niya sa tama ang kanyang kinikita.

Aniya, “Nakalipat na ako sa condo na nabili ko, ngayon naman may binili akong lupa na hindi pa fully paid pero at least may napupuntahan ang kinikita ko.

“Nu’ng umuwi kasi ang magulang ko from the States last Christmas, gusto nilang magkaroon ng sariling bahay, so may nabili akong lupa at papatayuan ko ng bahay,” aniya pa.

Kaya work hard ang drama ni direk JP dahil may bills din siyang binabayaran pa.

Sa solo interview namin kay direk Jason Paul pagkatapos ng presscon ng “So Connected” ay nalaman naming si Jameson talaga ang pinili niya for the role na inoohan naman ni Roselle Monteverde at manager ni Janella na si direk Manny Valera.

Katwiran ni direk JP, “Gusto ko kasi sa bawat films ko may ibang ginagawa ang actors ko.”

Kasama raw ang rumored boyfriend ni Janella na si Elmo Magalona sa napagpilian bilang leading man sa “So Connected”, “Well, I don’t deny, kinonsider din si Elmo kasi pag nag-Elmo kami (ulit), it would be sort of kapareho lang ‘yung sa pelikulang #Y (2014). E, gusto ko kasi sa mga films ko, laging may bago,” katwiran niya sa amin.

Bukod dito ay nakatrabaho na niya si Jameson sa pelikulang “Cool To Be 4gotten” na si direk Jason Paul mismo ang sumulat ng script na ipinalabas noong 2016 for Cinema One Originals filmfest.

“Saka si Jameson kasi parang shy guy (sa personal) at bagay doon sa role niya kasi ganu’n ‘yung character nu’ng guy sa movie,” saad pa ng direktor.

q q q

Nagustuhan din daw ni direk Jason Paul ang ugali ni Jameson, “Aminado mismo si Jameson na marami pa siyang kulang, ako rin naman pero that’s one thing na gusto ko sa kanya, he is aware na wala pa siya ro’n. He’s very inquisitive, marami siyang tanong para makuha niya ‘yung kailangang gawin (sa eksena).

“Language barrier (problema) kasi hindi siya masyadong marunong magsalita ng Tagalog, may accent siya o minsan may mga expression na hindi siya familiar so pag sinabi niya, hindi masyadong natural ang dating sa camera,” kuwento sa amin.

Samantala, bukod sa mga artistang nakatrabaho na ni direk JP ay gusto rin niyang maidirek si Joshua Garcia dahil nakuha ng binata ang atensyon niya, lalo na sa seryeng The Good Son “Mahusay siya, may lalim. Kung makakatrabaho ko siya, dark ang ibibigay kong role sa kanya at alam kong kaya niya ‘yun,” saad ng direktor.

Si Julia Barretto rin ba ang kukunin niyang leading lady ni Joshua? “Puwede rin, pero siguro mas magandang mag-experiment. Parang bagay din sina Joshua at Janella.”

Going back to “So Connected”, makakasama rin sa pelikula sina Chai Fonacier, Krystal Brimmer, VJ Mendoza, Cherise Castro at Paulo Angeles.

Cute para sa amin ang trailer ng “So Connected” dahil parang magaan lang ang kuwento, at habang pinapanood namin ito ay nakangiti na pala kami.

Bagama’t nabibilang na kami sa Generation X ay napapangiti pa rin kami sa ganitong uri ng kuwentong pag-ibig na nababagay sa mga milenyal.

Dahil sa cellphone ni Jameson bilang Karter na ninakaw sa kanya at nabili ni Janella sa karakter na Trisha ay nalalaman lahat ng binata ang araw-araw na kaganapan sa buhay ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging interesado tuloy siya kay Trisha kaya inalam niya kung paano niya ito makikita sa personal hanggang sa kalaunan ay na-hook na pala siya at nalaman niyang magkasundo sila sa maraming bagay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending