Glaiza kinakarir ang target shooting, Muay Thai | Bandera

Glaiza kinakarir ang target shooting, Muay Thai

Ervin Santiago |May 01,2018
facebook
share this

Glaiza kinakarir ang target shooting, Muay Thai

Ervin Santiago - May 01, 2018 - 12:05 AM


TALAGA  namang dedicated at hindi lang basta-basta ang ginagawa ngayon ni Glaiza de Castro para mas mabigyan niya ng hustisya ang role niya sa Afternoon Prime series ng GMA na Contessa.

May bagong look si Glaiza sa serye bilang si Contessa, pinakulayan niya ang kanyang buhok at naglaan ng maraming oras para mag-training at mag-prepare sa pagbabagong-anyo ng kanyang karakter.

Sa kasalukuyan ay kinakarir ng Kapuso actress ang pagta-target shooting with Muay Thai pa.

Ayon sa dalaga, gagawin niya ang lahat para masiguro na malayo ang kanyang personality sa kanyang role. Kaya naman iba ang peg ngayon ni Glaiza na very sophisticated at articulate bilang si Contessa.

Ikinuwento rin niya na mas lalong dapat abangan ang mga susunod na eksena sa serye dahil hindi pa raw nag-uumpisa ang paghihiganti ni Contessa laban sa mga Imperial na umalipusta at nang-alipin sa kanya.

Kailangan n’yo raw tutukan ang mga gagawin niya laban kay Dani (Lauren Young) na siguradong ikatutuwa raw ng mga viewers. Kung nami-miss n’yo na ang mga nakakalokang confrontation scene nina Georgia at Emma sa Ika-6 Na Utos, mas mawiwindang daw kayo kina Glaiza at Lauren sa Contessa.

Napapanood pa rin ang Contessa mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga. Ka-join pa rin sa serye sina Jak Roberto, Gabby at Geoff Eigenmann, Dominic Roco, Chanda Romero, Tetchie Agbayani at marami pang iba, sa direksyon ni Albert Langitan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending