Korina bongga ang resbak kay Kris; super happy kahit mga aso ang bine-baby
WHETHER she denie1s it or not, may halong panunumbat ang ginawang pagsuporta noon ni Kris Aquino sa presidential bid ni dating DILG Secretary Mar Roxas, clearly “hate on the rebound” na addressed naman talaga to the latter’s wife, si Korina Sanchez for her James Yap feature story on Rated K.
Kris should better, herself a former host of a show which tackled various subjects from fashion to politics to travel to food to family to gossip to just as anything of interest. She is so smart para hindi niya kayang ihiwalay ang trabaho ng isang broadcast journalist like Korina.
Granting na kawalan ng respeto ang ginawa ni Korina (na naaayon naman sa kanyang tungkulin), ano naman ang kinalaman du’n ni Mar?
For Kris to say na sising-sisi siya sa pagsuporta kay Mar noon ay walang iniwan sa isyung nire-raise niya ngayon laban kay James? Kelan pa ba ang mga hanash niya kay James, at kelan pa ang nakaraang eleksiyon? All this is time-worn stuff.
Yaman din lamang pala na hindi si Mar ang kandidatong nasa puso ni Kris (at napilitan lang dahil sa pa-kiusap ng kanyang Kuya Noynoy), bakit noong kampanya’y OA kung ihingi niya ito ng suporta mula sa mga botante? She even flew via chopper only to chop off her own political conviction!
Off-track para sa amin ang pang-aaway ni Kris kay Korina na dati pa mandin niyang nakatrabaho in a morning show on ABS-CBN. Good thing, Korina—for all her dignified stance—wouldn’t dare touch Kris with a ten-foot pole.
Alam ni Korina na dapat lang niyang tanawin kay Kris ng malaking utang na loob ang ginawang pag-endorso nito noon sa kandidatura ni Mar.
The sad part, nadamay pa ang ‘di pagkakaroon ni Korina ng kakayahang magkaanak. Smarter than Kris, bongga ang buwelta ni Korina by showing picture of her dogs while having poking fun with them. For sure, lalong nanggalaiti si Kris as Korina chose to take their fight to a higher level.
Sa totoo rin lang, may himig ng kayabangan ang posture these days ni Kris na mukhang dulot ng kanyang pagbabalik sa pelikula. Te-ngang-kawali kasi si Kris sa mga makabuluhan namang komento ng mga netizens.
Hindi raw kasi kawalan ang mga netizens who share a comment or two on the issue. So, kailangan puro halleluiah lang ang dapat sabihin kay Kris? Where’s the freedom of speech her late mom, former President Cory Aquino had fought for?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.