Bianca bagong ‘fitspiration’ ng mga kababaihan | Bandera

Bianca bagong ‘fitspiration’ ng mga kababaihan

|April 21,2018
facebook
share this

Bianca bagong ‘fitspiration’ ng mga kababaihan

- April 21, 2018 - 12:10 AM


SINCE nagsimula siyang magpunta sa gym, itinuturing na ng mga fans ang Kapuso actress at Kambal, Karibal lead star na si Bianca Umali bilang kanilang newest “fitspiration.”

Kitang-kita naman kasi ang napakagandang figure ni Bianca ngayon lalo na sa mga eksena niya sa kanyang GMA Telebabad series with Miguel Tanfelix.

Sakto naman ito dahil lately ay napaka-intense ng mga eksena ni Bianca bilang si Crisel na nasa katawan pa rin ni Crisan (Pauline Mendoza). Tanong tuloy ng kanyang mga fans: Ano ba ang routines na ginagawa niya?

Sa katunayan, kinaiinggitan siya kapag nagpo-post ng mga pictures sa social media dahil napakanatural daw ng ganda ng hubog ng kanyang body pati na rin ng kanyang mukha na punumpuno ng sex appeal. Para sa kanyang fans, perfect na si Bianca Umali.

Patuloy na subaybayan ang Kambal, Karibal dahil napakarami pang pasabog na magaganap sa pinag-uusapang teleserye ngayon. Kasama pa rin dito sina Kyline Alcantara, Jean Garcia, Alfred Vargas, Marvin Agustin at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending