MayWard ibinuking ni Ryan Bang: Parang lagi silang galing sa honeymoon! Ang sweet-sweet! | Bandera

MayWard ibinuking ni Ryan Bang: Parang lagi silang galing sa honeymoon! Ang sweet-sweet!

Ervin Santiago |April 16,2018
facebook
share this

MayWard ibinuking ni Ryan Bang: Parang lagi silang galing sa honeymoon! Ang sweet-sweet!

Ervin Santiago - April 16, 2018 - 12:01 AM

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

AYAW madaliin nina Maymay Entrata at Edward Barber ang mga bagay-bagay sa kanilang personal na buhay, lalung-lalo na ang tungkol sa lovelife.

In fairness, nagpakatotoo lang ang MayWard sa pagsagot sa mga tanong ng ilang members ng entertainment press about the real status of their relationship. Hindi sila yung tipo ng magka-loveteam na magsisinungaling para lang pakiligin ang kanilang fans.

Ayon kay Maymay nang makorner namin at ng iba pang reporter pagkatapos ng presscon ng “Da One That Ghost Away”, mas naging close pa sila ni Edward ngayon dahil halos araw-araw silang magkasama because of their work.

“Basta mag-bestfriend kami. Tsaka nagpapakatotoo lang kami kung anong nakikita nila, yun na po ‘yun, at masaya po kami ni Edward dahil hanggang ngayon nakasuporta pa rin ang MayWard sa amin,” paliwanag ni PBB Lucky Season 7 Big Winner.

“Partners in crime” naman ang paglalarawan ni Edward sa tandem nila ni Maymay.
Tinanong namin kung bakit naman nasabi ni Ryan Bang na parang lagi silang galing sa honeymoon kapag magkasama sa set ng pelikula nilang “DOTGA” na pinagbibidahan din ni Kim Chiu.

Unang sumagot si Maymay, “Hindi po! Ha-hahaha! Komedyante kasi si Kuya Ryan kaya yun ang sinasabi niya. Kasi po nasanay na kami (ni Edward) na lagi kaming nag-uusap minsan hindi na namin alam na nawawala kami. Parang parating naiiba kami. Hindi namin alam na nasa ibang mundo na pala kami. Tapos nagtatawanan kami lagi, masaya lang ba.”

Paliwanag naman ni Edward, “Hindi po, kasi it’s easy to talk to Maymay, kapag nahihirapan ako sa lines, sa timing o sa emotion, I will tell it to her. And vice versa. So baka yun po yung sinasabi ni Kuya Ryan.”

Diretsong tanong kay Maymay, paano kapag nanligaw na sa kanya si Edward, may pag-asa ba? “Siguro kung maligaw kami. Ha-hahaha! Hindi, kahit sino naman po may pag-asa.”

Singit naman ni Edward na parang nalungkot sa sagot ni Maymay, “Ay, lahat?”

Hinampas naman ng dalaga si Edward na may kasamang lambing sabay sabing, “Oy, hindi ganu’n. Ha-hahaha.l! Kahit sino po may pag-asa naman talaga. Sa ngayon wala pa akong…siguro isa siya sa…ay naku, ayoko nang magsalita!” na sinabayan uli ni Maymay ng malakas na tawa.

Sa tanong naman kay Edward kung posible ba talagang magkainlaban sila ni Maymay sa tunay na buhay, ito ang kanyang tugon, “Sa totoo po ayokong isipin yun. Kasi for me, you should be content with whatever you have.
“And I’m content with what I have. I don’t want to rush things, I don’t want to think about it. I’ve always tried to live in the moment at kung ano ang totoo,” pahayag pa ng binata.

Inamin din nila na nag-aaway din sila. Sabi ni Maymay, “Opo naman. Pero parang pambata lang na mga away. Pero hindi na umaabot ng bukas kung nag-aaway kami.”

Sino ang laging unang nakikipagbati? Ani Edward, “Depende sa argument, kung sino ang nagsimula.” Hirit naman ni Maymay, “Opo, depende. Saka pinag-uusapan namin talaga pag may isyu. Isa yun sa mga natutunan ko sa kanya, na kailangan mag-usap kapag may hindi pagkakaintindihan.”

Samantala, bagong challenge sa akting ang na-experience ng MayWard sa bagong horror-comedy na “Da One That Ghost Away” ng Star Cinema kasama sina Ryan Bang at Kim Chiu.

Nu’ng mga unang araw ng kanilang shooting ay medyo nangangapa pa sila dahil ibang-iba nga ang mga role nila rito kesa sa unang movie nila na “Loving In Tandem”. Pero dahil sa tulong ng direktor nilang si Tony Y. Reyes at sa mga kasama nila sa pelikula, nagawa naman daw nila nang tama ang kanilang mga eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na sa April 18 ang “DOTGA” kung saan makakasama rin sina Chokoleit, Lassy, Odette Khan, Moi Bien, Enzo Pineda, Pepe Herrera at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending