Sylvia ibinandera ang sikreto sa bagets na itsura | Bandera

Sylvia ibinandera ang sikreto sa bagets na itsura

Reggee Bonoan |April 07,2018
facebook
share this

Sylvia ibinandera ang sikreto sa bagets na itsura

Reggee Bonoan - April 07, 2018 - 12:20 AM


KAPAG may libreng oras si Sylvia Sanchez ay kaagad siyang pumupunta sa Beautederm Clinic sa Angeles City para sa magpa-facial at Gluta drip para naman sa kanyang liver maintenance dahil nga lagi siyang puyat sa taping ng Hanggang Saan.

Simula Abril 2 ay nagsunud-sunod na ang taping ng Hanggang Saan sa Pililia, Rizal. Base sa mga bagong post ni Ibyang sa social media ay mas bumata pa ang itsura ngayon. Kaya biniro namin siya na “buma-bagets” ang kanyang aura.

Masayang sagot sa amin ng aktres, “Hindi ako nagkamaling tanggapin ang Beautederm nu’ng kunin ako ni Rei (Anicoche-Tan) na endorser kasi bumabata talaga ako sa set cream niya. Tapos yung mga air at linen scent spray nila effective rin, pag hindi ako nag-spray sa kuwarto hindi ako nakakatulog,” aniya pa.

Actually, totoo bossing Ervin nakaka-relax ang mga pang-spray ng Beautederm dahil light lang ang amoy.

Kuwento pa ng aktres, “Ito ang puhunan naming mga artista, kaya dapat may maintenance ka. Actually, hindi lang mga artista ang may beauty maintenance di ba, pati mga ordinaryong tao gumagamit na ng mga ganito kasi kailangan din nila sa personal nilang buhay.”

At dahil in-demand ang Beautederm products ay nagtayo ng sariling clinic si Ibyang sa Butuan City at magbubukas na ngayong Mayo.

Kasama rin niya bilang endorser sina Matt Evans at Carlo Aquino at magkakaroon nga sila ng meet and greet sa Ilagan City, Isabela kasama sina Alma Concepcion at Shyr Valdez na gaganapin sa Triton Mall sa Abril 10.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending