Bakbakan nina Enrique at Matteo sa Bagani trending sa socmed | Bandera

Bakbakan nina Enrique at Matteo sa Bagani trending sa socmed

Ervin Santiago |April 06,2018
facebook
share this

Bakbakan nina Enrique at Matteo sa Bagani trending sa socmed

Ervin Santiago - April 06, 2018 - 01:10 AM

ENRIQUE GIL, LIZA SOBERANO, SOFIA ANDRES AT MATTEO GUIDICELLI

TALAGA namang tinutukan ng mga Kapamilya ang nangyaring sagupaan sa pagitan nina Lakas (Enrique Gil) at Lakam (Matteo Guidecilli) noong Martes (Abril 3) kaya naman patuloy pa rin ang pamamayagpag ng Bagani na nakakuha ng national TV rating na 33% mula sa pinagsamang urban at rural homes, ayon sa datos mula sa Kantar Media.

Bukod sa ratings game, hindi rin nagpahuli ang netizens na todo tweet sa maaaksyong eksena ng serye, dahilan para makabilang sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag na #BAGANILakasVsLakam.

Pinuri ng mga ito ang galing na ipinamalas nina Enrique, Liza at Matteo sa kanilang action scenes. Mala-pelikula rin umano ang kalibre ng mga eksena.

Sa naturang episode, natuloy na nga ang inaasam na digmaan ni Lakam laban sa kapwang bagani na si Lakas na nagsanhi ng kamatayan ng maraming tao sa Sansinukob. Ngunit bago pa sila magpatayan, napigilan sila ni Mayari (Sofia Andres) at ipinaalala sa kanila ang kanilang tunay na tungkulin bilang mga bagani.

Mukhang natauhan naman sina Lakas, Ganda (Liza Soberano), at ang umanib kay Lakam na si Dumakulem (Makisig Morales) sa ipinaintindi ni Mayari at itinigil na nga ang labanan. Huwag palampasin ang Bagani pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending