Kakai: Kung nasilaw ako sa yaman at itsura marami na akong naging dyowa! | Bandera

Kakai: Kung nasilaw ako sa yaman at itsura marami na akong naging dyowa!

Djan Magbanua |April 04,2018
facebook
share this

Kakai: Kung nasilaw ako sa yaman at itsura marami na akong naging dyowa!

Djan Magbanua - April 04, 2018 - 12:01 AM

“AYOKO nang mag-asawa!” Yan ang ipinagdiinan ng singer-comedienne na si Kakai Bautista nang matanong tungkol sa status ng kanyang lovelife.

Riot pero inspiring ang naging interview nina Izel Abanilla at Ervin Santiago sa live guesting ni Kakai sa nakaraang episode ng #ShowbizLive (every Wednesday, 8 p.m. sa Inquirer.net, Bandera Facebook pages at Radyo Inquirer990 AM radio).

Ayon kay Kakai, wala na sa priority list niya ang pag-aasawa as she already found happiness kahit walang boyfriend. Ine-enjoy lang daw niya ang pagiging single at ang kanyang career.

Nagpo-promote ngayon si Kakai ng kanyang second major concert na gaganapin sa Music Museum on April 6, ang “Kakai XV: The Dental Diva 15th Anniversary Concert.” At dito raw naka-focus ngayon ang kanyang atensyon.

Pero paliwanag niya hindi naman siya totally “NO” sa lovelife. Lumalabas-labas pa rin naman siya para makipag-date.

“Wala akong boyfriend. Happy. Single and happy. Alone but not lonely. Very much available. Nandito na ako sa stage na masaya lang ako, na hindi ko ikakamatay kung walang manliligaw. Basta okay ako.

“Kung may magyayaya ng date, go. Open ako kung may magiging matapang at ipu-pursue talaga ako. Kailangan matapang, kailangan ready, lalo na pag hindi siya sa showbiz. Konting ano lang baka ma-rattle na siya. Yung personality ko pa may pagkamaldits ako sa boys. Kailangan talaga kaya niyang ikalma ang sarili niya sa mga pwedeng mangyari (dahil sa showbiz),” paliwanag ni Kakai.

Umabot na nga sa point na nawiwirduhan na sa kanya ang mga kaibigan dahil kahit ang pag-aasawa ay wala na sa kanyang radar. “Ayoko nang mag-asawa, optional na lang siya. Hindi na siya kasama sa listahan ko. Pero kung may dumating fine. So ako hindi ko siya hinahanap. Kung may dumating, kung may ibibigay sa akin si Lord tatanggapin ko,” aniya pa.

Speaking of lovelife, naitanong din ng #ShowbizLive hosts kung kamusta na sila ng hunk actor na si Ahron Villena na na-link noon sa kanya. Sinundan kasi ng netizens ang “love story” nila na hindi nga nagkaroon ng happy ending. Inakusahan pa ng ilang netizens na paasa at pa-fall lang daw si Ahron.

“We’re in good terms. We’re trying to do our best to work things out. Sa tingin ko mas inaayos na namin ang friendship namin ngayon,” sabi pa ni Kakai. Sa katunayan, nagsu-shooting na sila ni Ahron para sa kanilang launching film titled “Harry & Patty”.

Inamin din niyang mataas ang standards niya sa lalaki, “Sabi ko nga kung mababa lang ang standards ko at nakukuha ako sa itsura at yaman, ang dami ko nang naging dyowa. Ang gusto ko kasi ‘yung masasabayan ako, yung maihaharap ko kahit kanino. Kailangang umabot sa wavelength ko kahit paano.”

Hindi ba siya nakukuha agad ng mga pa-hunk? “First and foremost pag nakakita ka ng abs, parang Diyos ko, naglaway ka na, di ba? Pero pag nagsalita naman, wala palang laman. Aba, eh, anong gagawin ko sa abs niya, didilaan ko lang?”

Dahil 15 years na nga siya sa industriya napagkwentuhan din sa ang history ng kanyang career.
Noong nasa theater pa siya ay naranasan na ni Kakai ang mag-mop, maghugas ng pinggan at kung ano-ano pa. At nang pumasok na siya sa showbiz, may mga challenges din siyang hinarap. Noong nagsisimula pa lang siya ay may mga taong nagpahirap din sa kanya.

Pero hindi nagpatalo si Kakai, sa halip ipinakita niya ang kanyang kakayahan sa pag-arte at pinatunayang deserving siya na magkaroon ng puwang sa mundo ng showbiz. Inamin din niya na ilang beses siyang umiyak at nagkulong sa mga portalet at CR kapag may mga katrabahong nanlalait sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya tumagal siya ng 15 taon sa industriya dahil sa pakikisama niya sa kanyang mga katrabaho. “Pag nagsu-shooting ka, nagte-taping ka tandaan mo lahat ng staff, tandaan mo lahat ng nasa pantry. Kahit minsan makita mo sila hindi mo naalala yung pangalan, mag-hi ka lang.

“Malaking factor yun sa katrabaho mo. Kasi word of mouth yun eh. Lalo na sa industriyang ito hindi lahat gusto ka. Hindi lahat kaya mong i-please,” sabi pa ng komedyana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending