Maymay, Edward nagsasabihan na ng 'I love you' | Bandera

Maymay, Edward nagsasabihan na ng ‘I love you’

|March 28,2018
facebook
share this

Maymay, Edward nagsasabihan na ng ‘I love you’

- March 28, 2018 - 12:05 AM

EDWARD BARBER AT MAYMAY ENTRATA

INAMIN ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata na nagsasabihan sila ni Edward Barber ng “I love you!”

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda sa dalaga, natanong siya kung nag-“I love you” na sa kanya ang ka-loveteam at kung nasabi na rin niya ang nasabing “three magic words” sa binata.

Natawa muna ang Kapamilya young actress sabay sabing, “I love you as a friend, oo.” Tilian at palakpakan talaga ang MayWard fans na nasa studio ng TWBA.

Mas lalong kinilig ang mga fans nang sagutin ni Maymay ang tanong na, “How much of your happiness is because of Edward Barber? Tugon ng dalaga, “Para sa akin, sir, sobrang laki.”

Sa “Legit or Lie” segment naman, inamin ng aktres na napapanaginipan niya si Edward. Ngunit mariin niyang dinenay na nananakit siya ng tao kapag galit, “Kapag totoong galit, hindi ako ganyan. Maiyakin ako. Iniiyak ko lang mag-isa. Pag wala na, okay na.”

Tawa naman nang tawa ang kanilang mga supporter nang tanungin kung totoo bang tinatanggal ni Edward ang balakubak niya, “Opo, nawala yung balakubak ko dahil sa gamot nina Edward.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending