Juancho 'na-dirty finger' ang career matapos bastusin si Alden | Bandera

Juancho ‘na-dirty finger’ ang career matapos bastusin si Alden

Cristy Fermin |March 24,2018
facebook
share this

Juancho ‘na-dirty finger’ ang career matapos bastusin si Alden

Cristy Fermin - March 24, 2018 - 12:30 AM

JUANCHO TRIVINO AT ALDEN RICHARDS

SI Juancho Trivino naman ang naging paksa sa isang malaking grupo ng mga taga-showbiz nu’ng isang gabi. Maraming nanghihinayang sa aktor dahil nakalinya na pala siyang bigyan ng magagandang proyekto ng GMA 7 sa mga darating na buwan.

Mga proyektong inilipad na ng hangin, dahil sa ginawa niyang pambabastos kay Alden Richards, isa sa mga itinuturing na poste ng network.

Sabi ng isang nasa umpukan, “Sayang, one false move lang ang naging dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang mga plano sana sa kanya ng network. Iilan pa naman silang artistang pinamimilian, pero nabura na siya sa listahan ngayon dahil sa kaangasan niya.

“Magandang leksiyon ang ibinigay na suspension sa kanya ng network, dapat talagang pagdusahan ni Juancho ang ginawa niya sa isang taong nananahimik at walang kalaban-laban!” opinyon ng source.

Walang naging kakampi ang tinatawag ngayong starlet at aktor-aktoran, wala naman kasi talagang sasang-ayon sa ganu’ng porma ng kabastusan, sising-alipin na siguro ngayon si Juancho.

Huwag na si Alden Richards na napakalapit sa puso ng ating mga kababayan, kahit kanino ay hindi dapat gawin ng sinuman ang pamamakyu, dahil lantarang kawalan ng respeto ang ganu’ng akto.

Malas ni Juancho Trivino, si Alden Richards pa na paborito ng buong bayan ang napili niyang bastusin, ayan tuloy ang inabot niya.

Siya ang pinakyu ng kapalaran.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending