Bato inaming may bagsak  ang anak na si Rock sa PNPA | Bandera

Bato inaming may bagsak  ang anak na si Rock sa PNPA

|March 22,2018
facebook
share this

Bato inaming may bagsak  ang anak na si Rock sa PNPA

- March 22, 2018 - 04:35 PM
INAMIN ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa na may mga bagsak na asignatura ang kanyang anak na si  Rock sa  Philippine National Police Academy (PNPA). Sinabi ni dela Rosa na nakausap niya ang anak sa nakaraang sa graduation ng PNP noong Miyerkules kung saan kinumpirma ni Rock na bagsak siya sa dalawang asignatura, kasama na ang communication. Nasa unang taon si Rock  sa PNPA. Idinagdag ni dela Rosa na sinabihan niya si Rock na magiging nakakahiya kung magtapos siya na may bagsak na mga asignatura. “We understand the situation, academics is different from civilian universities, pressure is different from police academy so I understand perfectly his situation. What I can do is just to give him the advice to review so he passes,” sabi ni dela Rosa. “Kung hindi ka makapasa then madismiss ka then sorry, uwi ka sa Davao at maghanap ka ng trabaho sa Davao,” ayon pa kay dela Rosa. Sinabi pa ni dela Rosa na kahit hindi aminin, mas malaki ang pressure kay Rock dahil anak siya ng isang PNP chief. Tiniyak naman ni dela Rosa  na tatanggapin pa rin ang anak kahit na hindi makatapos sa PNPA. “You are my son, ano mangyari sa buhay mo anak kita, tatanggapin kita pagbalik mo kung hindi mo kaya,” ayon pa kay dela Rosa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending