Glaiza, Lauren nagsampalan, nagsabunutan agad sa Contessa | Bandera

Glaiza, Lauren nagsampalan, nagsabunutan agad sa Contessa

|March 22,2018
facebook
share this

Glaiza, Lauren nagsampalan, nagsabunutan agad sa Contessa

- March 22, 2018 - 12:35 AM


HINDI pinalampas ng loyal Kapuso viewers ang pagsisimula ng kuwento ng pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Contessa.

Simula pa lang ay pasabog na agad ang mga eksena ng bagong reyna ng mga bida-kontrabida na si Glaiza de Castro bilang si Bea Resureccion na makikilala ng manonood bilang Contessa sa mga susunod na episode.

Sa mga social media site, puro papuri ang ibinigay ng mga netizen sa exciting na plot ng Contessa, kaya naman isa na raw ito sa siguradong aabangan nila sa telebisyon tuwing hapon.

Umpisa pa lang ng serye ay nakakaintriga na ang mga eksena, lalo na ang pagpo-propose ng karakter ni Mark Herras na si Marco kay Bea at ang nakakainis at nakakalokang paglalandi ni Daniella (Lauren Young) kay Marco. First episode pa lang ay talagang kinabwisitan na ng manonood si Lauren habang nakuha naman ni Glaiza ang simpatya ng viewers matapos ang kanilang sampalan at sabunutan scene sa swimming pool.

In fairness, sa unang dalawang episode pa lang ng Contessa ay puro pasabog na agad ang ibinigay ng production, kaya asahan ang mas marami pang twists and turns sa kuwento, lalo na kapag nagsimula nang maghiganti si Contessa laban sa lahat ng mga taong umapi at nanloko sa kanya.

Mainit din ang naging pagtanggap ng netizens sa unang episode ng show, sa katunayan, nakuha nito ang top spot sa trending topics ng Twitter Philippines noong March 19 kung saan puring-puri ng viewers ang akting ni Glaiza.

Pagbati ni @ManangRhiGla, “Congrats sa pilot episode ng Contessa! Unang araw palang napahanga mo na agad kami. Galing galing mo talaga at nakakamiss makita kang umacting ulit @glaizaredux !!!! Aabangan namin ang mga susunod na episode. Congrats love!!!!#Contessa!”

“I love how Bea express emotions through her eyes. No need for any words/dialogues. Her emotions can be felt genuinely just by simply looking into her eyes. Isa ka talagang eyedol!” say naman ni @glaizaforkeeps.

Kasama rin sa serye sina Jak Roberto bilang si Jong, Geoff Eigenmann as Gabriel, at Gabby Eigenmann bilang Vito Imperial. Ka-join din sa cast ng Contessa sina Chanda Romero at Techie Agbayani, sa direksyon ni Albert Langitan. Napapanood ang Contessa pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending