Yassi, JC kawawa sa mga adik sa ‘Ang Probinsyano’ | Bandera

Yassi, JC kawawa sa mga adik sa ‘Ang Probinsyano’

Cristy Fermin |March 20,2018
facebook
share this

Yassi, JC kawawa sa mga adik sa ‘Ang Probinsyano’

Cristy Fermin - March 20, 2018 - 12:10 AM


SOBRANG laki ng partisipasyon ng social media ngayon sa pagtanggap ng proyekto ng mga artista.

Kapag hindi nagustuhan ng mga bashers ang papel na ginagampanan nila ay siguradong durog sila sa social media.

Hindi nila naihihiwalay ang palabas lang sa totoong buhay, mga artista lang naman silang sumusunod sa kung ano ang kailangan nilang gawin sa kuwento, pero nauupakan sila.

Nakakaawa naman sina JC Santos at Yassi Pressman, nang dahil sa biglang kambiyo ng kuwento ng Ang Probinsyano ay pinagtagpo sila, naging magkarelasyon at ngayo’y inuupak-upakan na ng mga walang magawang maganda sa buhay.

Pinepersonal na sina JC at Yassi, awang-awa kay Coco Martin ang mga bashers, hindi raw gawain ng isang Filipina ang ipinakikita sa istorya na nawala lang nang matagal ang mister ay mangangaliwa na.

Nakakaloka, papel lang ang ginagampanan nila, napakalayo naman nu’n sa totoong buhay. Ni sa panaginip ay hindi naman magkarelasyon si Alyanna at ang kanyang boss!

Pero magandang senyal pa rin ‘yun. Ibig sabihin, kumokontra man ang mga bashers, ay patuloy pa rin nilang sinusuportahan ang serye na walang makatibag-tibag sa matagumpay na rating.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending